Kahit maga pa ang mga mata ko, na pagdesisyunan ko ng pumasok. May gusto akong malaman. "Oh my gosh, what happened to your eyes? May sumuntok ba sa'yo girl?" bungad kaagad ng secretary ng asawa ko. Ngunit hindi ko ito pinansin. "Nandiyan na ba ang boss mo?" tanong ko dito na ikinatawa nito. "Boss ko o boss natin? Naku naman, huwag ng assuming girl, hindi ka niya itinuturi--" Naputol ito sa pagsasalita ng dumiritso ako sa pintuan ng opisina ng asawa ko. Napansin kong wala pa doon ang asawa ko. "Hoy, Ms. Salvame, baka gusto mong mawalan ng trabaho sa ginagawa mo! Hindi purkit asawa ka niya sa papel eh, pumapasok ka na lang basta-basta," inis na wika ni Nadia na ngayon nakasunod na sa 'kin sa loob. "I'm sorry, may kailangan lang kasi akong itanong," wika ko na lang dito. "Mabuti nama

