"Oh siya, magpahinga na kayo. At magpapahinga na rin kami. Huwag ka na munang pumunta ng opisina hijo. Ako na muna ang bahala," sunod-sunod na wika ni daddy sa asawa ko. "Huwag na kayong mag-aaway ulit," wika naman ni mommy. "Masakit ba ulo mo? Magpahinga ka na," wika ko sa asawa ko habang nakatitig lang ito sa akin. Nakaupo kami sa sala ng mga oras na iyon. Pinaupo niya ako sa kandungan nito. "Baka bukas hindi mo na naman ako pansinin," wika ng asawa kong si Jake. "Papansinin kita, sinabi ko naman sa'yo na nagkunwari lang ako 'di ba, dahil galit ako sa'yo. Pero ngayon hindi na. Kaya mag-iingat ka sa pagmamaneho," wika ko rito habang nakanguso. Lalo naman ako nitong niyapos ng mahigpit at isinubsob pa nito ang mukha sa leeg ko. Nakikiliti pa ako dahil sa hininga nitong tumatama sa

