Kung ito siguro ang pakiramdam ng nasa langit.Parang ang sarap asaming wag nang bumaba sa lupa. Kay gaan sa pakiramdam. Para kang nakalutang sa ulap.
Ipinikit ni Anya ang mga mata. Dinama ang luwalhating dulot ng sariwang hangin na hatid ng kalikasan. Pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na paghinga. Kay sarap namnamin ang ganitong pakiramdam.
Kalmado at payapa.
Iminulat niyang muli ang mga mata at inilibot ang tingin.
Nagbabadya na ang pag halik ng araw sa lupa. Malapit nang mag dapit-hapon.
Niyakap niya ang sarili ng maramdaman ang malamig na hangin.
Dinungaw niya ang kailaliman ng burol. Muli ay napasinghap siya.
Mula roon ay matatanaw ang pribadong Liang Beach resort na pag-aari ng mga Zantillan.
Tinanaw niya ang malawak na karagatan.
Mangasul-ngasul ang tubig sa dagat. Kay-linaw at kay-linis. The velvety white crystal sand delights the visitors. Kaya't naging pamoso ang naturang resort.
Nakaramdam siya ng konting pagkahilo kaya't umatras siya ng bahagya para lang bumunggo sa malapad at matigas na dibdib ni Clark.
She froze nang maramdaman ito sa kanyang likuran. Ilang ulit siyang napalunok. Pakiramdam niya ay gustong manigas ng kanyang mga binti. Tila sya estatwa na itinulos sa pagkakatayo. Nagsimulang maging eratiko ang t***k ng kanyang puso. Bigla siyang kinabahan.
Clark slowly wrapped his arms around her and pulled her against him. Kasabay niyon ay ang panlalaki naman ng mga mata niya. Parang tinambol ang kanyang dibdib at sa sobrang lakas ay para na siyang nabibingi.
Nanindig ang kanyang balahibo nang maramdaman ang hininga ng lalaki na humahaplos sa kanyang punong taynga at batok.
Sa ginawang iyon ng binata ay gustong mag-init ng pisngi ni Anya.
"C.. Clark... " Anas niya. Biglang nalito.
"Sshhh... Lemme hug you baby." sansala ng binata. Humigpit rin ang pagkakayakap nito.
Napaloob na siya ngayon sa mga bisig ni Clark. Ilang beses siyang napalunok muli.
Napakislot siya nang simulan nitong hagkan ang kanyang buhok. Tuloy ay naalarma ang mga senses niya sa katawan.
"You like it here, don't you?" he said softly.
Husmiyo! Napakalambing ni Clark. Kahit malakas ang hangin ay gusto niyang pagpawisan. Hindi siya makasagot. Ang lakas ng tambol sa dibdib niya.
Ilang minuto pa ay dahan dahan siyang ipinihit ng binata paharap dito. Dahil doon ay mabilis siyang yumuko.
Ni hindi pa rin sya makakilos. Nanatiling nakayuko. He gently touches her cheeks. Marahang inangat ang kanyang mukha kasabay nang pagsalubong ng kanilang mga mata.
Hindi maitago ang fondness sa mukha ni Clark. Siya naman ay nagpupumilit pa sanang itago ang mukha rito. Subalit hindi iyon hinayaan ng binata.
"I'm sorry for being rude," simula nito.
"Listen...I don't know how to deal with this..." anang binata na napakamot muna sa ulo bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"But... I like you... or in other words, I want you." he said seriously.
Hinawakan ni Clark ang isa niyang kamay, dinala sa mga labi upang dampian ng munting halik. Sa ginawa nito ay muli syang napakislot.
"lt didn't go as planned. I never thought I would feel what it's like to be in love."
Natulala ang dalagita, nag- init ang mukha. Naglalahad ba ng pag-ibig si Clark sa kanya?
What was he saying something special? Is it special and personal affection? Love, perhaps?
Nakakaloka! Wala siyang maintindihan. Katunayan ay nakatanga lamang sya sa binata.
"Nauunawaan mo ba ang mga sinasabi ko Anya?” Magiliw na tanong ng binata.
Larawan ng pagka-aliw at sa labi ay nakapagkit ang matamis na ngiti.
Subalit nanatili siyang nakatitig lamang Kay Clark.
" Gusto kita kako, ako ba gusto mo rin? "
Napanganga ang dalagita, nagdumilat ang mga mata. Higit pa atang lumakas ang tambol ng dibdib niya.
Is he professing love? Tama ba siya ng rinig?
Si Clark ay hindi na maitago ang pagka-giliw at natutukso na itong halikan ang kanina pang naka-awang na mga labi ng dalagita.
Wala sa diskarte niya ang mga ganitong panunuyo sa isang babae.
Kadalasan ay wala nang mga salita pa.
But Anya is different. Kung ibang babae lang ito, malamang ay kanina pa sila nagpagulong-gulong sa damuhan.
Anya was overwhelmed.
Si Clark Zantillan ba ay nagtatapat ng pag ibig sa kanya?
Si Clark na isang Zantillan?
Ang hirap paniwalaan, pero heto si Clark, lumulukob sa pagkatao niya ang presensya.
Nang tuluyang tumimo sa isipan ang mga sinambit ng binata ay hindi niya napigilan ang sarili na mag-usisa.
"Ikaw, may gusto sa a... akin?" tanong niya na nautal at hindi makapaniwala.
"Yes! Ako ba gusto mo rin?"
Natutop ni Anya ang bibig sa mabilis na sagot ni Clark.
Sa di mawaring dahilan ay biglang nagtubig ang mga mata ng dalagita.
It was her fantasy. And If it were a dream, then she'd rather want to sleep entirely.
"Hey, I'm confessing my love and what I get back? A crying baby?" tudyo ng binata.
Mabilis na kinabig sya ni Clark patungo sa mga bisig nito.
He bent his head and showered kisses on top of her head.
Anya closes her eyes, she was very nervous and then Clark gently touches her lip, her heart racing.
His tongue slightly pulls apart her lips for a slow deepening kiss.
Her first.
A warm amazing sensation flowed all over her body.
Clark slowly stopped and released her.
Then he begins kissing her eyelid and forehead and afterwards, give her the sweetest hug she ever felt.
Clark has to stop...at gusto niyang batiin ang sarili sa pagkakaroon ng matibay na self control sa pagkakataong iyon.
"Kailan mo nalaman na mahal mo ako," lakas loob at malambing na tanong ni Anya sa binata.
"Since nalaman kung mabango rin pala ang hibiscus," tugon ni Clark sabay kindat.
And then he look at her seriously.
"I've loved you since that very first morning. "
Umalon ang dibdib ng dalagita. Hindi makapaniwala.
"Gusto mo bang malaman ang lihim ko?" Malambing na wika niya Kay Clark.
"Matagal ko nang alam na 'P na P' ka sa akin."
"Anong :P na P:?"
"Patay na patay."
"Conceited!." Natatawang wika ni Anya.
Hinaplos niya ang guwapong mukha ni Clark.
Pinaglaro niya ang daliri sa mga mata nito patungong ilong at mga labi. Hinuli ng binata ang kamay niya at dinala sa labi nito.
Her monster crush with Clark started when she was ten.
He was 15 then. Hindi matatawaran ang popularidad ng lalaki sa kanilang bayan.
Liban sa pagiging anak mayaman ay isa siya sa pinakamagaling pagdating sa larong basketball.
He was a captain ball in the team.
Hindi niya pinapalampas ang bawat laro nito kung saan sa sulok ng gym ay lihim niyang ipinagbubunyi ang binata.
"I started loving you when I was ten." Punong puno ng pagmamahal na wika niya sa binata.
"Noong araw na kinatok kita sa sasakyan mo. Sumibol ang paghanga sa puso ko."
Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin ni Clark. Pilit inalala sa isip ang sinabi ni Anya. Saglit itong nawalan ng imik. Out of nowhere, ay may kung anong tagpo ang lumitaw sa balintataw niya. Napapantastikuhang napatitig siya sa nobya.
"Really? That lovely girl is you? " Clark ask surprisedly
Anya nodded. Habang nakaplaster ang matamis na ngiti. Banaag Sa mukha ang labis na kaligayahan.
"O wow! That's... that's cool. It's amazing."
Kinabig niyang muli ang dalagita na nagbigay naman.
"I love you too." He whispered heartily.