DRAKE Pagkatapos namin mag-usap ni Chichi ay dumiretso ako sa garden para makapagisip isip. Alam ko na nasaktan ko siya ng husto dahil sa inakto ko kanina, pero alam ko na yon lang ang tanging paraan, paraan para hindi sila madamay sa misyon ko. Ang misyon ko na kilalanin ang pinuno ng sindikato na minamanmanan namin ni Mariane, kailangan ko makahanap ng mga ebedensya at impormasyon para sa sindikato na yon sa pamamagitan ni Veron. Tinanggap ko kunwari ang pagiging magkasintahan namin kahit na alam ko na malaki ang magiging epekto nito sa amin ni Chichi. Noon pa man ay hindi niya na gusto ang kababata ko na iyon pero wala akong pamimilian kesa madamay sila sa misyon ko mabuti ng wala silang alam at tanging kasintahan ko lang si Veron. Nang makita ko si Chichi kanina ay labis akong n

