MARIE
Matapos kaming iligtas ng nag-pakilalang kakambal ko na Mariane daw ang pangalan sa kamay ng mga taong nagbebenta ng mga kabataan at kababaihan ay sinama niya na ako para makilala ko daw ang pamilyang naghihintay sa akin. Matagal na daw nila akong hinahanap kaya masayang masaya daw siya na nahanap na daw niya ako.
"Mariane, okey lang ba sakanila na makita ako, baka saktan din nila ako."Wika ko kay Mariane.
" Oo naman matagal kanang hinihintay sa bahay natin Marie panigurado matutuwa sila lalo na si Mommy Nora. Hindi man natin siya totoong mommy pero anak ang turing niya sa akin. Saka alam ko magiging masaya ka dun kasi andoon yong hambog na pinuno nang impyerno si Helios Drake anak ni Mommy Nora pero mabait yun si Kuya masarap kasama, ganoon lang kami magasaran."paliwanag sa akin ni Mariane habang nasa biyahe kami.
Nang makarating kami sa tapat nang isang bahay na sobrang laki na parang palasyo na dahil sa sobrang ganda at laki nito. Si Mariane ang unang bumaba at pumasok sa bahay, sinabi niya kay Markus na samahan muna ako para sa gagawin niyang sopresa sa tatay namin.
Daddddddddddyyyyyyyyy!!!!!! Narinig kong sigaw ni Mariane sa loob ng malaking bahay.
"Susmaryosep kang bata ka! Akala ko kong ano ang nangyari, bibigyan mo pa ako nang sakit sa puso." Wika ng isang ginang na hawak pa ang dibdib niya dahil sa pagkagulat.
Nakita ko pa si Markus na natatawa sa ginawa ni Mariane. Nakasilip lang kasi kami dito sa sala habang sila ay nasa hapag at kumakain.
" I'm sorry mommy surprised ko lang sana kayo, kaso hindi ko alam na magugulat pala kayo nang husto."Wika ni Mariane sa ginang na tinawag niyang mommy.
" Akala ko ba isang buwan kayo sa Quezon, asan ang boyfriend mo hindi ba kasama mo yun?"Tanong naman ng isang boses na may edad na lalaki kay Mariane.
" Nakakatampo ka naman daddy si Markus talaga hinanap mo ako kaya anak mo, andoon po siya sa sala. Maaga po kasi natapos yong inasikaso niya kaya umuwi na po kami." Sagot ni Mariane sa tinawag niyang Daddy.
"By the way Daddy my surprised po ako sainyo."Dugtong pa ni Mariane.
" Don't tell me Yanyan buntis kana?Ang tulis talaga ni bayaw ang bilis."Natatawang biro naman ng isang lalaki na may magandang boses.
" Sira ulo! san mo naman nakalap yang tsismis na yan."Tugon ni Mariane sa lalaking may magandang boses pero ang lalaki ay Tumatawa lang.
Ilang sandali ang lumipas na papasok na kami ni Markus sa loob ng hapag kainan nila, kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat titig na titig sila sa akin, ang pinagtataka ko bakit ganoon nalang ang kaba sa dibdib ko at ang bilis ng t***k ng puso ko ng makita ko sila. Lalo na ang may edad na lalaki bakit siya tila maiiyak at titig na titig sa akin.
" Daddy, Mommy, Drake pinakikilala ko sainyo ang nag-iisa kong kakambal, ang kakambal ko na kahit kelan hindi nawala sa isip at puso natin, Guys! Dininig na nang diyos ang ating panalangin. Pansin ko padin na naguguluhan sila sa sinasabi ni Mariane..
Daddy meet may twin sister and your long lost daughter Mharimar Dela Riva."Wika niya kay Daddy.
Yong mukha nila daddy pagkatapos niyang sabihin ang totoo ay pagkagulat at pagiyak ang naging resulta..Maging ako ay umiyak na din dahil hindi ko lubos maisip na may pamilya na naghihintay sa isang katulad ko na akala ko pinabayaan na.
Nakita ko na unti unting lumapit sa akin ang may edad na lalaki na hangang ngayon ay umaagos padin ang mga luha sa kanyang mata. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil nakaharap ko ang isang ama na kahit kelan hindi ko naranasan. Dala nadin ng sitwasyon hinawakan ko ang mukha ng ama ko at pinahid ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mukha.
" Huwag na po kayong umiyak, baka po mapaano kayo." Wika ko sa lalaking may edad.
" Anak!! anak!!! Ikaw nga si Mharimar ko. Patawad anak hindi ka namin nakita agad, pero alam nang diyos kong gaano ka namin hinanap nang mommy mo. Kong san san kami nakarating makita kalang anak. Patawarin mo si Daddy kong sa tingin mo na pinabayaan ka namin." Umiiyak na wika ni Daddy sa akin.
" Kayo po ang tunay kong ama? Totoo po ba ang narinig ko na kayo ang ama ko. Ang saya saya ko po, kahit kelan hindi ko naramdaman ang mayakap nang isang ama. Hindi ko po alam ang pakiramdam, pero ngayon ang saya po nang puso ko na nayakap ko ang ama ko, ganito po pala ang pakiramdam, napakasarap mayakap ng isang ama, akala ko po hindi ko na mararanasan makasama ang tatay ko. Napaka sarap po pala sa pakiramdam." mga katagang sinabi ko sa nag-pakilalang ama ko.
" Oo Marie siya ang ama natin na matagal na nangulila sayo sa mahabang panahon. Mahal na mahal ka namin Marie kong nakikita lang tayo ni Mommy I'm sure matutuwa yun dahil kasama ka namin, maniwala kaba na hanggang sa huling sandali ng ating ina pangalan mo ang binibigkas niya, kaya alam ko na masayang masaya na ang ating ina." Umiiyak na paliwanag ni Mariane at niyakap kami ni Dad.
" Sama ako sa yakapan Sweetheart, ipakilala mo naman ako sa anak mo, ang daya niyo ni Yanyan gusto din namin makilala si Marie." Lumuluhang wika naman ng isang ginang.
" Anak! Marie siya ang Mommy Nora mo siya ang nag-alaga samin ng kapatid mo nang mawala ang iyong ina. Matagal kana din niyang inasam na makita anak. Salamat sa diyos at ibinigay ka niya sa akin ang matagal ko ng hinihiling sa kanya ay tinupad niya na. Magandang regalo ito para sa nalalapit kong kaarawan."Ani ni Daddy.
" Ehermmmm, ehermmmm, ang drama niyo nang apat baka naman pwede niyo na ako ipakilala sa kapatid ko??
By the way Marie I'm your Kuya pogi Drake, Ang magiging taga-pagtanggol mo sa lahat ang mang-aapi sayo."singit ng lalaking may magandang boses Drake pala ang pangalan niya.
"Salamat sainyo, Daddy, Mariane pwede ko din po ba kayong tawagin na Mommy at Kuya?" Tanong ko kay Mommy at Drake.
" Oo naman Hija, Isang pamilya tayo salamat sa diyos at
makakasama kana namin lalo na ang kambal at ng daddy mo. "Wika ni Mommy kasabay ng isang yakap ng isang ina na ibinigay niya sa akin.
Nang mapansin ko si Drake na nakatingin sa akin bigla akong nag-iwas ng tingin. Kumabog ang puso sa hindi ko maintindihan bigla ako nakaramdam ng hiya.
Matapos ang madrama naming pag-tatagpo naging masaya ang aming paguusap at isang masayang pamilya ang aking natagpuan sa piling ng tunay kong magulang at kapatid ........