DRAKE Matapos kong kausapin sila Daddy at Mommy at humingi ng tawad sakanila dahil sa pag-lilihim namin ni Chichi ng relasyon namin at tuluyan na akong nagpaalam. Humiling ako kay Markus na baka sakaling maari niya akong ipasok bilang agent sa kanilang ahensya. Pumayag naman siya kaso wala na nga daw bakante sa dati niyang ahensya sa Alaska kaya ni-refer ako ng director nila sa Las Vegas. Dahil maganda ang record ni Markus sa dating trabaho ay mabilis akong natanggap dahil nadin malakas ang kapit ko sa nag-backup sa akin. Kumuha lang ako na maliit na apartment dito sa Las Vegas na tama lang para sa akin, ako lang naman mag-isa kaya mainam na sa akin ito at mabilis lang linisin. Simple man ang itsura ng apartment ko ay maganda naman dahil sa maaliwalas. Malaki pa nga ang higaan ko dito

