Naglalakad na sya pauwi sa bahay nila sa Quiapo, ayaw naman nyang mag taxi dahil wala naman syang gagawin para magmadali pauwi sa bahay nila.. Tinawagan nya na si Eric na huwag na syang sunduin dahil gusto muna nyang maglakad lakad muna. .. May nakita syang ice cream store kaya pumasok sya roon at tumingin nang mga flavor na naron ..
Bumili sya nang isang gallon at isang drumstick cone para may makain sya habang pauwi sakanila.. Habang binubuksan nya ang ice cream nya.. Akmang, kakainin nya na, nang may biglang may kumagat nito na ikinagulat nya...
Para syang nag super sayan sa ginawa ng lalaki kaya ng pagtingin nya sa lalaki.. Agad nya itong minura.
" Put***** na mo!!! Gago ka ba!! " nagulat sya, nang pagtingin nya sa lalaki, ang kuya Chrysanthemum nya ito, na nakangiti pa sakanya at naka peace sign sakanya..
" Grabe ka naman maka mura Magda!! " saad ng kapatid nya na kinuha ang ice cream sa kamay nya at ito na ang kumain at umhbos.
" Kuya!! Anong ginagawa mo rito?? " tanong nya rito..
" Wala, nakita kitang palabas nang hotel kanina kaya sinundan kita,, anong ginagawa mo sa ganoong hotel, my loving sister?? " nakangiting tanong nito sakanya na may pataas baba pa nang kilay.
" Wala!! Sinusundan mo ba ako?!" sigaw nya rito. dahil siguradong aalaskahin nanaman sya nito.
" Talaga ba? Gusto mo Ifind out ko?? " pang aasar nito sakanya,na sinondot pa ang tagiliran nya.
" Go,!! I don't care at all?? " mataray na saad nya sa kapatid.
" Really?? Hindi ka natatakot na malaman nila na miyembro ka nang top secret society?? Na hired killer ka?? " pananakot pa ng kapatid nya.
" Bakit naman ako matatakot?? Ikaw hindi ka ba natatakot na malaman ni Alice na kasali ka din?? Kasal nyo na next week.. Baka bigla syang magback out.." pang pipikon nya rito.
" Nope,?? Kasi napunlaan ko na si Alice, hahaha tsaka, ate ang itawag mo kay Alice ,tandaan mo kahit mas matanda ka sakanya, matuto kang gumalang dahil mas matanda ako sayo.." saad nito na hinawakan pa sya sa ulo para guluhin ang buhok nya.
" Daldal!! Oo na!! Yong totoo may order ba sayo?? " seryosong tanong nya sa kapatid.
" Yep.. It's Mr Romualdo Dominguez.. A businessman.. Dirty businessman to be exact.. Kaya kelangan ng itumba... Kaso, hindi ko mahagilap dahil medyo mailap.." saad nito na palinga linga nang tingin sa paligid na parang may hinahanap.
" Anyare sa kapatid kong top hired killer at pinaka batang pinuno ng bansang Pilipinas?? " natatawang saad nya rito, dahil nong panahon nila,isa ito sa mga matitinik na top agent,in demand kung baga.. Pero nang italaga na itong pnp chief at naging jowa si Alice, bigla itong naglaylo sa society.
" Magkano ba? Pano ang hatian natin?? " dagdag nya pang saad sa kapatid.
" Di palaos na.. Hahaha, ikaw?? Hindi kana ba talaga babalik?? hati-hati tayo, interesado ka?? 50 billions. apat tayo sa misyon." saad ng kapatid nya
" Ang mahal naman ata para sa ulo nya. kabado ka?? " tanong nya rito
" Yep, dahil isa din syang killer ng mga agents.. Halos 20 na ang napapatay nya satin, dagdagan pa ng mga known business tycoons sa buong mundo, pumapasok sya sa business world ng mga tycoons tapos kapag nakuha nya na ang gusto nya, papatay** nya na ito.. Ending, all business at pera ng nama** mapupunta sakanya nang walang kahirap hirap, at kapag nagustuhan nito ang asawang babae nang namatay, ginagawang parausan, pag magsawa, binibigyan ng pera o kaya naman pinapat*** nito .." kwento nito sakanya.
" Mukhang exciting, sige tulungan kita. Pero huli na ito kuya!! " pangungumbinsi nya sa kapatid.
" May isa pa, tulungan mo na ako!! " hirit pa nito sakanya,
" Hindi na, kakatamad nang pumata** kuya tsaka madami na akong pera, bilyon na.. Ikaw
,stop kana dahil bilyonaryo ka na rin.. Last na natin yan na Dominguez " saad nya dito dahil natatakot sya sa pwedeng mangyare, kung tatanggap pa sila nang order galing SA society.
"Haist, ingay.!! Oo na, last na to, alis na ako!! "paalam nang kapatid nya sakanya.
" Hoy bayad mo sa ice cream ko!! Gago talaga!!! " sigaw nya sa kapatid na naglalakad na palayo habang naka pamulsa.
Nakita nyang parang may binilog ito na papel kaya inabangan nya na lang yun na itapon sakanya.. Pero imbis na itapon, pumorma ang kamay nitong parang baril at ang papel ang ginawang bala nito sabay asinta sakanya.. Tawang tawa sya sa pinaggagawa ng kapatid, sa anim na lalaki nyang kapatid ito ang kasundo nya dahil parehas nya ito magisip, retarded din kapag minsan..
" Tapon mo na, dami mo pang arte!," saad nya sa kapatid nya, na parang tanga sa pinag gagawa.
" Oh yan na, bilhan mo ang mga kasamahan mo sa bahay,!! " ani nito sakanya
Pagtapon nito nang pera, agad nya itong sinalo at binuksan para tignan.. Natawa na lang sya sa kapatid nya.. Kung kalokohan lang naman talaga ito na ang pinuno..
" Really kuya?? 50 pesos?? " napapailing nyang saad sa kapatid nyang saksakan nang pagka kuripot..
" Kaw na bahala sa kanila, mayaman ka naman.." sabay kaway nito sakanya, at nawalang parang bula sa harapan nya..
" Haist, kuripot talaga kahit kelan.. Ingat lang palagi kuya! " sigaw nya kahit wala na sa harapan nya ang kapatid.. Pumasok ulit sya sa bilihan nang ice cream para bumili nalang ulit..
Kung tutuusin, barya lang sakanya ang 12 million na hinihingi nang naperwisyo nya. Pero ayaw nyang pag isipan sya nito kung saan nya kinuha ang pera at kung ano ano pa, maging ang mga kasamahan nya sa bahay, ayaw nyang magtaka ang mga ito kung saan sya kumukuha nang malaking pera na ibinibigay sa mga pangangailangan nang mga ito.. Pakabili nya nang ice cream, agad na syang naghanap nang taxi para makauwi na, bago pa man matunaw ang dala nya.
Nang makababa na sya nang taxi, pumunta sya sa simbahan ng Quiapo para magsindi nang kandila at manalangin.Araw araw syang nagtitirik nang kandila at nagpapasalamat sa poong maykapal sa mga biyayang natatanggap nya, maging nang pamilya at kaibigan nya. Muli na syang naglakad para pumunta sa pwesto nila,para tulungan magtinda ang mga binata na nandon.
Malapit na sya sa tindahan nila nang makita nya si Totoy, may kausap itong matandang babae na nagpaalam kaagad sa binata nang tawagin nya ito,nakita nya na may karga itong bata paràng bagong panganak dahil pulang pula pa ang balat marahil ang matandang babae ang nagiwan nang bata kay Totoy..
" Boss! " tawag nito sakanya nang makita sya nitong papalapit.. Inabot nito ang bitbit nyang nasa plastic at ito pa ang nagdala..
" Toy, akin na ang bata, baka mahulog mo.. San moto dadalhin at parang ang dami mong dalang gamit? " tanong nya sa binata habang naglalakad na sila papuntang tindahan nila.
" Ah boss, pwede ko po ba kayong makausap.?? " ani nito sakanya, na yukong yuko na habang naglalakad kasunod nya.
" Ay nalinti*** na!! Naka buntis ka??!!Gago!!" sigaw nya sa binata na halos ikinalingon nang mga tao sakanila at ikinaiyak nang baby sa lakas nang boses nya.
" Hindi po boss!! Explain ko po boss mamaya pagdating natin sa bahay.." pakiusap nito sakanya na panay kamot sa ulo nito.
" Sige, uwi na tayo sa bahay, siguraduhin mong tama ang isasagot mo sakin Toy.. Sabihan mo narin sina Boyong at Eric na isarado na ang tindahan at umuwi na sa bahay.." utos nya sa binata na agad tumakbo at Nauna nang pumunta sa tindahan nila.
" Opo boss, salamat po!! " saad ni Totoy sakanya
Nang masabihan na ni Totoy ang dalawa naghintay nalang ito sa tindahan sakanya,
" Ang gwapong bata nito Toy hindi kana lugi dito.. Blue eyes pa, ang lalim nang dimple at ang pula nang labi at ang puti puti pa.." saad nya habang nang gigil sa karga nyang bata at pinupopog nya ito nang halik.
" Ayos boss , instant?? Ginawa ka pong taga pagalaga nang nadisgrasya mo?? " natatawang tanong ni Eric habang nagsasara nang tindahan habang si Boyong inaayos naman ang mga itlog na lalagain pa sana..Kakaubos palang daw kasi nang linaga nito kanina.
" Bilisan nyo na jan!! Hintayin ko kayo sa bahay.. Toy sumunod ka sakin.." utos nya sa tatlong lalaki na agad namang sumunod sakanya.
Pagdating nila sa bahay, agad na kinuha ni aling Lukring at Joy ang bata sakanya, pareho nya, pinanggigilan din nito ang bata at pinupog nang halik nang dalawa ang sanggol.
Nang kompleto na silang lahat, umupo na sya sa gaming chair nya, at ang lima ay nasa harapan nya nakaupo, habang karga ni aling Lukring ang bata na dala nila kanina ..
" Abay boss!! sandali lang po, palitan ko muna nang diaper si pogi at nagdumi po.." paalam ni aling Lukring sakanya na agad tumayo at niyaya si Totoy para kunin ang wipes at diaper nang bata..
" Sige po aling Lukring " tugon nya rito
Agad naman itong bumalik kasama ang binata na panay ang yuko at umupo sa upuan nang malinisan na nito ang bata.. Dahil alam nangg mga ito na hindi sya magsisimula, hanggat hindi sila kompleto..