Nang matapos ang oras nang trabaho, agad na syang nagpaalam sa dalawang among binata. Paglabas nya nang hotel nagulat sya nang nandon sa may entrance ang sasakyan na ginagamit nila kapag umuuwi sila sa Cavite, paglapit nya rito, ang tatlong binata na kasama nila sa bahay ang sumundo sakanya ,lahat ito pawang mga nakangiti sakanya nang tignan nya isa isa. Kaya nginitian nya rin ang mga ito. " Sinong bantay sa tindahan?? bakit kayong tatlo ang sumundo sakin? " tanong nya sa tatlo na nagsikamotan nang ulo na akala mo may mga kuto na sa pagkamot.. " Ako lang sana boss ang susundo sayo at kay Boyong na galing sa palengke at mall para mamili nang mga gamit nang bata at stocks natin sa bahay. Si Toy nakita kong pasakay nang taxi kaya binusinahan ko na para sumabay na lang satin pauwi.Kaya heto

