Pagkaalis nang dalawang binata, agad na pumunta ang kapatid nya sa kwarto nya para makipag chismisan sakanya. " Magda, pwede kanang lumabas, wala na ang pinagtataguan mo! Ang arte- arte mo ,best actress kana sa ginagawa mo." saad nang kapatid nya na bigla nalang pumasok sa kwarto nya at tumalon sa kama nya,sabay higa.Habang sya, nakaupo sa gaming chair na nandon sa kwarto. " Ano bang pinagsasabi mo kuya?? Masama talaga ang pakiramdam ko.." sagot nya rito na tinaasan pa nya nang kilay. " Talaga ba Magda?? Kaya Pala, halos mabangga mo na ang pinto kanina, makatago ka lang at makabalik dito sa kwarto mo! " natatawang saad nito, sabay bato nang maliit na unan sakanya. " Huh?? Ewan ko sayo, gumagawa ka nanaman nang istorya." tugon nya sa kapatid nya na ayaw syang paniwalaan sa sinasabi nya

