Nasa byahe na sila pabalik nang Manila at halos hapon na sila nakaalis dahil, panay parin ang suka at hilab nang tyan nya. Sumabay nga talaga sa byahe nila ang kuya nyang maarte sa buhay. " Ano ba kuya!! Para ka namang uod na inasinan, ang galaw galaw mo!! Mas lalong sumasama ang pakiramdam ko sayo.." ani nya sa kapatid nya na sobra kung makagalaw.Dinaig pa kasi nito ang batang nagtantrums sa galaw. " Para kasing ang daming surot dito sa upuan nyo.. Linisan nyo nga itong sasakyan nyo!! Parang ang dami nang nakasiksik na alikabok at mga surot rito..Tsaka, palitan nyo nga ang air freshener nyo, amoy banyo na kayo rito sa loob." reklamo nang kapatid nya. " Sabihin mo maarte ka lang talaga!! Kung makaarte ka naman kuya, nakisakay kana nga lang, nanglalait kapa.. Pakiramdam mo ang pogi mo,

