Kinabukasan, Maaga syang nagising, dahil panay ang hilab nang tiyan nya simula pa nong madaling araw, marahil dahil sa alak na naenum nila nong gabi, hindi pa naman sya naka kain nang ice cream dahil sa pikon nya sa kapatid nya na ang daming pinagsasabi, panay pulutan at alak lang inintindi nya. Kaya nong umalis sya sa inuman, agad na syang pumasok sa kwarto nya at natulog. Kaya nang magising sya, agad syang pumunta sa kusina para kumain sana nang ice cream na binili nila kahapon, sa isang convenience store, nang pauwi na sila sa farm. Sumuka pa sya bago umalis sa kwarto kanina. " Boyooooooooooonnnnnngggg!!! Eeeeeeeeeeerrrrrrrrrriiiiiiccc!! Asan na dito yong ice cream ko?? "naiiyak nyang saad sa dalawa na halatang bagong gising na biglang tumakbo nang marinig syang sumigaw sa kusina ..

