Binalikan muna nila 'yong unang safe house na pinagdalhan sa kanya ni Edrian. They were back for a few precious hours before their plane left for Batanes. Edrian was inside the place with her, just down the hallway, but Cassie wanted him closer. Napatitig naman si Cassie sa repleksyon niya sa salamin. She looked like hell. Hindi na talaga siya 'yong kikay at sopistikadang dalaga. Ang chaka na yata niya. Pinihit na niya ang seradura palabas ng banyo, at ilang sandali lang, maingat siyang naglalakad sa isang carpeted na sahig. Sa totoo lang, gusto na talaga niyang makita si Edrian. Miss na miss na niyang mayakap ang lalaki. Anyway, silang dalawa na lang ang nasa safe house na iyon, wala na kasi roon ang mga agents na nagbabantay sa kanya kahapon. "Cassandra. Oops, tigil." Anang boses n

