Hindi nila nakuha 'yong target sana nila. Matalim na tinitigan ni Gian Gregorio ang mga tauhan niya. Madali lang naman sana ang ipinapagawa niya sa mga polpol niyang tauhan. Wala kasing kalaban-laban sa mga ito ang spoiled brat na dalaga.
Perpekto naman ang plano nila ah. Mag gi-gate crash sa party ang mga tauhan niya, tapos dudukutin nila 'yong babae.
Sa katunayan nga, ilang beses na nilang ginawa ito ng paulit-ulit na hindi sila pumapalya. But this time, sa isang spoiled brat na dalaga, hindi nila magawa? Mga walang silbi! Mga inotel!
Namatayan pa siya ng dalawang tauhan na kailanman hindi pa nangyari sa kanilang mga operasyon. Ang sabi kasi sa mga nakaligtas na tauhan niya na meron daw namamaril sa dalawang kasamahan nila. At may isang lalaki rin daw na tumangay kay Cassandra San Sebastian para iligtas ito.
Hindi kaya manliligaw iyon ng dalaga? Kasi sabi ng mga tauhan niya na may itsura raw ang lalaki at mukhang pormal.
Kung sino man ang lalaking iyon ay sabagal ito sa plano nila kaya kailangan itong mawala sa landas nila, sa lalong madaling panahon.
Pag-aaralan niya kung sino nga ang misteryosong lalaki na 'yon. Kailangan niya ring malaman ang sekreto at kahinaan nito. Malamang hindi nag-iisa ang lalaki na 'yon sa party na dinaluhan ni Cassandra, at sa palagay niya may mga kasamahan din ito.
Sabi pa nga ng mga tauhan niya na mukhang sniper daw ang katuwang ng lalaking iyon dahil hindi raw nakita ng mga ito ang bumaril sa kasamahan nilang si Gabo at Pilo. The bullets had flown through the window and took the life of Gabo and Pilo.
Isang malaking kawalan pa naman sina Gabo at Pilo sa kanya dahil isa ang mga ito sa pinagkatiwalaan niyang mga tauhan. Matapang kasi ang mga ito at walang kinakatakutan. They'd been his key asset for a long time.
Pero kahit nawala pa ang mga magagaling niyang tauhan, hindi pa rin nangangahulugan na lulubayan nila si Cassandra.
First, he'd have to separate Cassandra from her circle of protectors. At ang pinakamadali upang magawa 'yon..buburahin niya sa landas nila kung sinuman ang mga taong pumo-protekta rito. Pagbabayarin talaga niya ang mga ito sa pagpatay kina Gabo at Pilo. Dahil kung anuman ang kinuha ng mga ito sa kanya, iyon din ang magiging kabayaran ng mga ito.
-----
Hindi isang tanga si Edrian. Akala siguro ng spoiled brat na dalaga na ganon-ganun na lang siya kadali na malulusotan nito. He wasn't some green soldier who'd be distracted by a pretty face. Or long legs.
Kaya habang dumadaan sa isang lattice si Cassandra, naroon na siya sa dulo ng hagdan at hinihintay lamang ito na makababa.
The shadows hid him. All of the agents in his team knew how to use the shadows. Kaya nanatili lang siya sa madilim na parte, at hinihintay lang niya na tuluyang makababa ang dalaga.
Nakita pa nga niya ang kasiyahan sa pagmumukha nito, malamang masayang-masaya ito dahil akala nito na naisahan nga siya nito.
Akala mo matatakasan mo ako, huh? Pwes, wag ako.
She glanced back up at the open bathroom window as she eased away from the building.
Akala siguro nito na hindi ko alam ang iniisip niya. Huh! Don't me, Cassandra San Sebastian. Isa yata sa talent ko ang magbasa ng isip.
He stepped forward, moving soundlessly, gaya na lang sa natutunan niya sa kanilang training.
Mabuti at hindi pa rin siya napapansin ng dalaga.
Pero isa nga ba itong BEO agent? Tuloy nagdududa na siya sa katauhan nito. Kung kumilos kasi ang dalaga parang hindi ito isang trained agent.
Kaya nang tuluyan ng makababa ito ay agad naman niya itong binulaga.
Napasigaw ito ng ubod lakas sa gulat. At alam niya na hindi ito ugali ng isang agent.
An agent would attack first, not scream. But Cassandra's attack came seconds after her scream. She whirled around, striking out at him with a strong left hook.
Magaling sana ang ginawa nito at muntik na talaga siyang mapahanga rito kung natamaan sana ang gwapo niyang mukha. Pero hindi eh.
He caught her fist in his hand, freezing the blow. "Kailangan mo yata ng hangin, mydear." Nanunudyong bulalas ni Edrian.
Napanganga naman ito sa gulat.
"Because, if you needed some air--" Edrian shrugged. "--willing akong samahan ka na mag jogging. Sabihin mo lang."
She tried to jerk back her fist. At dahil wala rin naman itong matatakbuhan, kaya binitawan na lamang niya ito.
Cassandra was caged between him and the side of the hotel. Mukhang wala talaga itong tsansa na takasan siya.
Napahalukipkip siya at hinintay lamang niya na magsalita ito. Sigurado kasi siya na kung anuman ang kasinungalingan na lumabas sa bibig nito ay mas magiging interesado siya rito.
"Hindi ko alam na hinihintay mo pala ko rito." She c****d her head as she studied him. Humakbang naman papalapit sa kanya ang dalaga. "Siguro nagmamadali kang bumaba rito sa sandaling pumasok na ako ng banyo."
Yes, he had. Ang ipinagtaka lang ni Edrian kung bakit hindi nito sinubukang magsinungaling sa kanya.
"Paano mo nalaman ang tangka kong pagtakas?" tanong sa kanya ni Cassandra.
She looked quite different from the glittering debutante who'd been in the ballroom. Talagang iba ang itsura nito nang makita niya ito na naka roba lang. Isang supil na dalagita ang unang impresyon niya rito, pero nang makita niya itong nakasuot ng manipis na roba, tinitigasan yata siya.
Now Cassandra was clad in jeans and a loose T-shirt, and her hair tumbled around her shoulders. But still, napakaseksi pa rin nitong tingnan.
Pero hindi, hindi siya dapat magpapakita ng interest sa babae kasi parte lang ito sa misyon niya. Kumbaga, trabaho lang, walang personalan. He'd never mixed business with pleasure before.
Kaya hindi niya dapat ito simulan ngayon.
"Paano mo ba nalaman na tatakasan kita?" Cassandra pressed.
"Dahil sinabi na sa'kin ni sir Marcio 'yan." If you let her out of your sight, she's gone. Iyan ang huling paalala sa kanya ni sir Marcio. Hindi nga niya pinaniniwalan ito, not until siya na mismo ang nakaranas nito ngayon.
Magbibihis lang ako sa bathroom at babalik din ako agad.
"Saka iniba mo rin bigla ang boses mo," aniya. Medyo may pagka-flirt kasi ang boses ng dalaga kanina. Kaya naisip kaagad niya na baka may pinaplano ito, at hindi nga siya nagkamali.
"Nag-iba 'yong boses ko?" napataas ito ng tono. "Imposible naman yata. Wala pa ngang nakakahalata kung kailan ako magsisinungaling eh."
He flashed a hard smile. "Ako alam ko."
Napakunot-noo ito sa kanya, then her gaze snaked over his shoulder. Nanlaki ang mga mata nito, as if she was intently studying something behind him. Halata naman na gusto lang siyang e-distract nito. Dahil kung titignan niya ang tinitingnan ng mga mata nito, sigurado siyang tatakbuhan siya nito.
Hindi siya amateur sa ganyang bagay, ano. Kaya never talaga siyang maiisahan nito.
"Look out!" gulat na sigaw ni Cassandra.
Hindi rin naman ito kumilos sa kinatayuan nito.
She grabbed him, twisting with him so that they both fell in a heap, crashing onto the cement even as a c***k of thunder broke the warning night.
Pero hindi iyon tunog ng isang kulog. He knew that sound too well.
Sigurado naman siya na putok ng baril nga iyon.
He rolled them, positioning their bodies so that he was on top of her, shielding Cassandra. He heard her mutter, "You're very much welcome, cowboy."
Binunot niya ang baril, then his gaze searched the area. The shot had come from the south, from the heavier shadows there. They had no good cover, kaya kailangan niyang mailayo ang dalaga roon.
From what he could tell, the shot hadn't drawn any attention. They were away from the main busy streets, so this area of town was pretty deserted. At 'yong shooter - sigurado siya na naghihintay lamang ito na gumalaw sila ni Cassandra.
They'd rolled behind an old sports car. Pero hindi pa rin iyon sapat upang hindi sila makita ng shooter. But some generous person had conveniently parked the car at the edge of the alley. Buti na lang talaga.
"Saan na ba 'yong team mo?" demanda ni Cassandra sa mahinang boses. "May team ka, di ba? Hindi ba't nandito rin sana sila?"
Nasa ballroom pa 'yong team niya, habang kinakausap pa ng mga ito ang mga lokal na awtoridad.
For the moment, he and Cassandra were on their own. But Edrian quickly considered his options. Kailangang maibalik niya ang dalaga sa hotel room nito.
At ano para masundan sila ng shooter? Mukhang hindi yata 'yan isang magandang ideya.
Pero meron pa naman siyang option number two. His left hand tightened on her. "When I say 'move', pumasok ka diyan sa loob ng sports car at panatilihin mong nakayuko."
She turned her head, meeting his gaze. "Bakit may susi ka ba diyan?"
Since hindi naman niya 'yon kotse, kaya wala talaga siyang maibigay rito. Ngunit minor na problema lang iyon.
Okay, magsimula na siyang magbilang dito. Isa, dalawa..."Move!" He yanked open the car door. Cassandra jumped inside, staying low, just as he'd told her.
Subalit nakita pa rin sila ng shooter. He fired, and the glass exploded on the passenger's side of the vehicle.
Napasigaw si Cassandra at mas iniyuko pa nito ang ulo.
Napansin ulit niya ang kakaibang kilos nito na tila hindi ito sanay sa putokan. Parang isang sibilyan lang. Ang tumili sa ganoong sitwasyon ay hindi talaga ugali ng isang trained agent.
Edrian jumped into the vehicle. He shoved his hands under the dashboard, found the wires he needed. The cars had always been a specialty of his - and he had the engine cranking to life instantly.
Umalingawngaw ulit ang putok ng baril. He shoved the car into Drive and slammed the gas pedal down to the floorboard. They raced from the scene with bullets chasing after them.
Nakahawak pa rin ng baril ang kanang kamay niya, at 'yong kaliwang kamay niya ang may hawak ng manibela.
"Okay ka lang?" untag ni Edrian sa dalaga. The shooter could be pursuing them, so he barely slowed. He was pretty sure the sports car lifted onto two wheels.
Ngunit nanatiling tahimik lang ang dalaga.
"Cassandra!"
Nakabaluktot pa rin ito sa sahig ng kotse. He could just see the top of her blond head.
"Okay lang ako." Mahinang saad nito. "Nasugatan lang ako ng konti dahil sa mga bubog ng salamin. No big deal."
He glanced in the rearview mirror. Saw only darkness behind them. Kaya malamang may tsansa pang sinusundan pa sila ng kalaban.
He wasn't using his lights, either. Because if you wanted to blend in with darkness, you didn't flash a beacon.
"Sinusundan pa ba tayo ng kalaban?" tanong ni Cassandra mula sa kanyang baluktot na posisyon.
Siguro nga.
Lumiko siya sa isang eskinita. Umiwas muna siya sa main road. He needed to stay away from the busy street - and the cluster of people that would just slow him down.
Anyway, kabisado naman niya ang daan na binaybay. A few miles, a few more backstreets. Then they'd be safe.
Pero upang masigurong ligtas nga sila. Kailangan niya ng karagdagang impormasyon sa mga nangyari. Kung bakit kaya target ng mga kalaban itong si Cassandra?
Ayaw pa naman niya na siya ang hinahabol ng mga kalaban. Dahil trabaho niya ang sundan at targetin ang mga ito. Subalit parang nagkabaliktad yata ang sitwasyon.
*****