MADELIN Nang matapos siyang kumain ay maayos ko nang inilagay sa tray ang mga pinagkainan niya. Ako pa ang nagbigay ng isang tabletang gamot sa kaniya at inabutan rin siya ng tubig. Nasa gilid lamang iyon ng tray at sa hula ko'y isa iyong pain reliever. Medyo malaki siguro ang sugat niya sa kamay kaya kailangan pang inuman ng gamot. Buti at maliliit na galos lamang iyong nakita ko sa mukha niya. Ito ang napapala niya sa pagiging topakin, paano kung mas malala pa ang nangyari? Minsan parang hindi talaga siya nag-iisip. Pagkatapos niyang makainom ng gamot ay bigla niya akong hinila pahiga sa kama niya. Bumagsak ako sa katawan niya. Pumulupot agad ang matitipunong mga braso niya sa akin. Impit ang tili ko dahil sa gulat. "Ano ka ba? Hindi ka nagdadahan-dahan baka mapaano 'yan

