LANNION Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Ilang sandali kong tinitigan ang pintuan ng kuwartong tinutuluyan nila ng kaniyang Lola, bago ko nagawang pihitin iyon pabukas. Tumigas bigla ang lalamunan ko. Tila nagkaroon ng bikig nang sumukan kong lumunok. The heavy mixed emotions took over me as I looked around the room. Nakakabinging katahimikan,wala kang makikitang kakaiba sa ayos ng kuwarto. Hindi mo aakalain na walang ng babalik sa silid na ito. Pumait ang pansala ko, kasabay ng tila bakal na sumasakal sa ilalim ng dibdib ko. Nasa ibabaw ng kama ang bag niya at ilang libro na naiwan sa school. I settled my eyes on there for a minute. Nakagat ko ng madiin ang labi ko. Naikuyom ko rin ang aking kamay! Hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa tuwing makikita ang mga bag

