Ang Boyfriend Kong... Clause 58: Si Nicolo... Kat's Note: Dahil sa pinagpipilitan kong gusto kong mag-update kahit wala naman talaga akong maikwento na matino... Hahaha! Magu-update pa din ako. Kwento ko na lang kung anong nangyari kanina. Time Frame: May 24. 9 am By 8:30 am kasi tapos na ang exam ko kanina. At dahil ilang araw na kong nagrereklamo kay Nicolo na gusto ko ng corndog, naghanap siya ng malapit na kainan sa campus namin. And fortunately, sobrang lapit lang wala pang 5 minutes 'yung paglalakad papunta doon. So hindi naman masyadong tirik ang araw ngayon kasi paulan-ulan. Anyway, naglakad na nga ako papunta doon. Nandoon na din kasi si Nicolei. Actually, silang dalawa lang ni Nic ang tao sa loob kasi kakabukas pa lang no'n. Tumango si Lei sa'kin at nag-kiss ako sa cheek ni

