Ang Boyfriend Kong... Clause 51: Si Nicolo... Kat's note: It's never a bad life. Just a bad day. Time Frame: About that time of the month. Recently. Hindi ko alam kung bakit pero halata naman sigurong sinisisi ko 'yung hormones ko sa mga nangyayari sa'kin ngayon. Sobrang emotional ko parang gusto ko na lang umiyak. It's a friday. Pareho kaming walang pasok ni Nic kinabukasan kaya sinundo niya ko sa school. Alam kong napansin niya din agad na hindi ako nagsasalita. Sobrang sama ng pakiramdam ko pero wala naman akong sakit. Parang ayoko na. Ayoko na talaga. Parang nalulunod ako. Hindi ako makahinga. Gusto ko makatulog pero alam kong 'pag pinikit ko 'yung mga mata ko maalala ko na naman lahat. It was not until I was lying in Nic's bed that he asked, "What's wrong?" Tumalikod ako sa ka

