Chapter 20 Isang Hakbang Pataas

942 Words

Helena POV Pagpasok ko ng bahay, agad kong nakita si Kuya, nakaupo lang, parang walang nangyari. “Kuya,” sabi ko, pilit pinipigilan ang boses ko, “bakit nasira ang tricycle?” “Babayaran ko na lang,” sagot niya, walang tingin sa akin. “Paano babayaran?” singit ni Ate Lena. “Eh lasing ka raw kagabi nung nagda-drive.” Biglang nagtaas ng boses si Kuya. “Tumahimik ka nga!” Napapikit ako sandali, saka tumingin sa kanya. “Paano mo ako babayaran, Kuya? Wala ka ngang trabaho,” galit kong sabi. Bigla siyang tumayo. “Aba, ang yabang mo, Helena! Huwag mong kalimutan—marami kang kasalanan sa pamilyang ’to!” Nanlumo ako. “Dahil sa pakikipagrelasyon mo sa may asawa, inatake si Tatay at namatay,” tuloy-tuloy niyang sumbat, parang kutsilyong paulit-ulit na itinutusok. “Wala akong kasalanan sa’yo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD