Helena POV Dala-dala ko ang paper bag papasok ng campus. Medyo mabigat, hindi lang dahil sa laman, kundi dahil sa pakiramdam na iniwan niya sa akin. Hindi ko agad binuksan sa harap ng mga tao. Parang may gusto akong itago, kahit wala naman dapat. Pagdating ko sa faculty room, agad napansin ni Lorna. “Uy, ang aga mo ah. Ano ’yan?” sabay turo sa hawak ko. “Ah… pagkain,” sagot ko, pilit casual. “Ha? Saan galing?” tanong pa niya, mapanuri ang tingin. “Kay… Shean,” sagot ko rin sa huli. Nanlaki ang mata niya. “Ha?! Wow mukhang inlove pa rin sayo si Shean, ha, Ang lakas talaga ng appeal. May asim pa si Ma'am.” Biro pa nito. “Hoy,” saway ko, sabay ngiti. “Wala ’yon. Concerned lang.” Binuksan ko ang bag at doon ko lang tuluyang nakita ang laman, maayos na ulam, may prutas pa, may maliit

