"Wow!" Bigla akong natakam ng makita ang pagkain. Nakalagay ito sa dahon ng saging. Pinagsama-sama. Iba't iba ang putahe. Ngunit karamihan doon ay hindi ko mapangalanan. "Upo ka senorita.." alok ni Manang Esmeralda. Mabilis naman akong umupo. "Kasama po ba kami rito?" nakangiting wika ko. "Oo naman ho senorita. Ikaw po talaga ang pinaghandaan namin niyan." Napapalakpak pa ako ng mahina. "Thank you po manang. Ang bait niyo naman po!" Kita ko ang mga ngiti ng mga tauhang naroon. "Tara na po, kumain na po tayo!" masiglang wika ko. Alas onse na rin kasi ng mga oras na iyon. Pumunta kami roon ng alas nuebe. At wala akong ginawa kun'di ang ikutin ang manggahan. Ang gulayan at prutasan. "Mauna na kayo senorita." Si Manong Joseph. "Ha? Bakit po? Sabay-sabay na po tayo. Hindi masaya

