Ilang minuto ng umiiyak si Lalyn habang nakaluhod. Sobrang sakit at takot ang namumuo sa kaniya ng mga oras na iyon. Ang isiping mapapahamak ang kaibigan niya sa kamay ng mga taong masasama, para bang gusto na lang din niyang magpakamatay. Bigla siyang natigilan. Nagmamadali niyang tinungo ang kusina. Kinuha ang matalas na kutsilyo. Tumutulo ang luha niya habang inilalagay sa palapulsuhan niya ang matalim na kutsilyo. Hindi ko nanaisin pa ang mabuhay kung araw't gabi, mararamdaman ko ang matinding konsensya sa ginawa ko sa kaibigan. Kung mamatay ito dahil sa kagagawan ko. Mas mabuti ng mamatay na rin! Pikit mata kong idiniin ang kutsilyo. Ngunit bago ko pa matukoy ang gusto kong mangyari. Isang marahas na kamay ang kumuha sa kutsilyo at ibinato iyon ng malakas. Bigla akong napaatra

