Napatitig ako sa sarili habang nakaharap sa salamin. Pinagmasdan ang kasuutan. Simpleng pants at blouse lang ang suot ko. Ngayon ang araw ng simula ng pasukan sa University. Hinayaan ko lang na nakalugay ang curly kong buhok. Sinuot ko na rin ang contact lens ko. Pati na ang sunglasses. Napanguso ako bigla. Tiyak tatanungin ako ng kaklase ko, kung may lahi ba kaming foreigner. Bitbit ang bag ng lumabas ako ng kuwarto. "Mag-iingat ka anak. Ang mga bilin ko sa iyo." Si mommy. Ganoon din ang bilin ng daddy ko at lolo't lola ko. Isang kaway ang ibinigay ko sa mga ito bago lumabas ang sasakyan sa malaking gate. NAMAYANI ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Palihim kong tinitingnan sa salamin na nasa harapan ang bodyguard ko. Ito ang nagmamaneho. Kaming dalawa lang ang nasa loo

