Nakaramdam ako ng lungkot ng malaman kong wala ang bodyguard ko. Umuwi muna raw ito sa kanila. Balak ko kasing pumunta ng hacienda. Nang bigla kong maalala ang kaibigan. "Sige bes. Sa rancho na lang tayo magkita ha," wika ko. "Sige-sige. Magbibihis lang ako." Kasalukuyan akong nakaupo sa sala. "Sino iyong tinawagan mo anak?" Napalingon ako. "Si Lalyn, dad. Niyaya kong pumunta ng hacienda." Tumango naman ito. Dumating din si lolo at lola. Ang mommy ko naman mahilig tumulong sa kusina. "Okay ka na ba apo?" Si lolo. Ngumiti ako. "Opo, lo." Hinaplos naman ni lola ang mahabang buhok ko. "Pasalamat talaga kami at mayroon kang magaling na Personal bodyguard. Nailigtas ka niya kaagad." Saka ito bumuntong-hininga. "Ang lakas ng loob nila. Tayo pa talaga ang binangga!" Lihim akong na

