DON'S LE VOUGHNE HACIENDA. Nasa loob pa ako ng sasakyan, lumikot kaagad ang mga mata ko. May mga nakabantay sa bawat sulok. Napakalawak at laki ng mansion ng mga ito. Ang pagkaka-alam ko, pag-aari ito ng matandang Le Voughne. Isang malawak na ngiti ang isinalubong sa akin ng mag-ama. Mabilis akong yumuko. "Ikinagagalak naming makilala ka hijo," ang nakangiting wika ni Mr. Rodger. Nakipag-kamay ito sa akin. Ganoon din si Don Jose. Ang ama nito. "Ikinagagalak ko rin ho kayong makilala." Pinakilala ko rin sa mga ito ang mga kasamahan kong agent. Bale anim lang sila ngunit mga assassin silang lahat. Tatlong babae at tatlong lalaki. Bawat isa sa kanila ay may kaniya-kaniyang code. Sila ang higit na poprotekta sa mag-asawang Le Voughne. At sa mag-asawang Don at Donya. "C

