Kagat-kagat ko ang ibabang labi habang umiiyak. Ito ang unang beses na nagalit ng husto ang daddy ko.
Sa nanlalabong mga mata, ramdam ko ang bawat patak ng luha sa mga mata ko na tumatama sa nanginginig kong mga kamay.
"Kasalanan namin ang lahat ng ito. Kung hindi ka lang namin pinalaking spoiled, hindi sana ito mangyayari!" wika ni daddy.
Ipinagtapat ko kasi sa mga ito ang lahat ng mga nangyari.
At ipinakita ang napulot kong flash drive na naglalaman ng malaking evidences sa pagpatay ng hari at reyna na kumakalap ngayon sa buong television.
"Huwag mo nang sisihin ang anak natin, honey.." wika ni mommy.
Ngunit isang marahas na buntong hininga ang isinagot ni daddy.
Pabalik-balik ito sa paglakad sa loob ng library.
"Sa ngayon, kailangan nating lumipat ng mansion. Tiyak na hahanapin ang anak natin at lahat tayo maaaring mapahamak. Hindi sila madaling kalaban. Mga halang at walang puso ang mga taong iyon. Kailangan ko ring magdagdag ng mga tauhan," mahabang wika ni daddy.
Hindi pa rin ako makakilos sa kinauupuan ko. Ni hindi ko mai-angat ang paningin ko sa mga magulang ko.
Nang dahil sa akin bigla na lang magbabago ang takbo ng buhay namin.
"Tulungan mo ang yaya mo na mag-ayos ng lahat nang gamit na kakailangan mo sa pag-alis natin."
Doon ako napatingala.
Kita ko ang pag-iwas ng tingin ni daddy sa akin. Mabilis naman akong inalalayang tumayo ni mommy at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
Hinaplos din nito ang likuran ko.
"I-im sorry d-daddy.." garalgal na wika ko.
Hindi ito umimik at nanatili lang na nakatingin sa labas ng bintana. Lalo tuloy akong nasasaktan.
Hindi ako sanay na ganito ang daddy ko. Pero alam kong nang dahil sa akin kaya magiging magulo ang sitwasyon namin ngayon.
"Tara na anak. Hayaan mo muna ang daddy mo," mahinang wika ni mommy.
Pagkarating sa kuwarto.
Nakaupo ako sa ibabaw ng kama at tumutulo pa rin ang luha sa mga mata ko.
"Kasalanan ko ito, mommy.."
Hinawakan nito ang kamay ko.
"Don't say that. Walang may gusto sa lahat ng nakita niyo. Ang pagkakamali mo lang ay iyong pagpulot ng flash drive. Dahil doon tiyak na hahanapin ka ng mga taong iyon. At iyon ang kailangan nating pag-ingatan. Magiging delikado ang sitwasyon natin ngayon. Kaya kailangan na nating makaalis dito."
"I'm really sorry, mommy!"
Hinaplos nito ang mahabang buhok ko. Niyakap ako nito ng buong higpit.
Nakokonsyensya ako.
Siguro ito ang bayad sa pagiging makulit, pasaway at pagiging sinungaling ko sa lahat ng mga professor at mga magulang ko.
Ang tigas kasi ng ulo ko.
Sana hindi ko na lang pinulot ang flash drive na iyon. Baka sakaling pabayaan na kami ng mga taong iyon.
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
SAMANTALANG nag-uusap naman ang mag-asawa sa loob ng library.
"Kailangan kong kumuha ng Personal Bodyguard para sa ating anak. Hindi ako mapapakali kung magtitiwala lang tayo sa mga tauhan ko. Mas magandang may isang taong higit na babantay 24/7 sa anak natin. Napakapasaway pa naman!" wika ni Rodger sa kaniyang asawa.
Hinaplos nito ang kaniyang likuran.
"Anong gagawin natin sa flash drive na iyon? Ibibigay ba natin sa mga pulisya?" tanong ng kaniyang asawa.
Mabilis naman siyang humarap dito.
"Hindi tayo maaaring magtiwala ng ganoon kadali sa mga pulisya. Alam mo naman na sa panahon ngayon, kahit sila mahirap ng pagkatiwalaan. Lalo na kung ang nakakataas sa kanila ay isa rin palang kasabwat sa sindikato!"
"Hindi magiging sapat ang pera natin kung mas malakas ang nasa likod nila," dugtong pa niya.
Natahimik naman ang kaniyang asawa.
Napahugot siya ng mabigat na buntong hininga.
"May alam ako kung kanino ko iyon ibibigay."
Pansin niya na napatingin ang kaniyang asawa sa kaniya.
"Kanino?"
"Sa mga Hamish. Isang Secret Agent Company na pinamumunuan ng mga anak nitong lalaki. At isa sa kanila ang kukunin ko upang protektahan ang nag-iisa nating anak."
"Papayag kaya sila na maging Personal Bodyguard ng ating anak?" tanong ng asawa niya. "Alam ko sa mga ganiyan, mga tauhan nila ang pinapakilos nila."
Kaagad naman siyang tumango. Alam naman niya iyon.
Pero alam niya rin na sa malalaking misyon, ang dalawang anak ng Hamish ang kumikilos.
Kilala niya ito dahil ang matalik niyang kaibigan ay kilala nito ang pamilyang Hamish.
Kilala niya rin ang mga ito dahil sa dami ng negosyo ng mga Hamish. Ang bunsong anak nito ang humahawak at nagpapalago.
Lihim sa karamihan na ang Secret Agent Company ay pag-aari ng mga Hamish.
"Handa akong magbayad ng malaki. Pagbigyan lang nila ang kahilingan ko. At sa palagay ko naman, hindi sila tatanggi dahil iyon ang trabaho nila. Ang ubusin ang mga sindikato sa mundong ito. Lalo na't may ibibigay tayong malaking evidences sa pagkamatay ng hari at nang reyna." Sabay hugot ng buntong hininga.
"Mas mainit at delikado tayo ngayon dahil hinahanap ng mga pulisya ang pumatay sa mga ito. At ang mga sindikato naman, nanggagalaiti ang mga iyon sa mga oras na ito kakahanap sa anak natin. Kaya kailangan na nating makaalis dito. Hindi sasapat ngayon ang tauhan ko para maprotektahan tayo. Alam kong hindi madali ang nasa likod ng mga taong pumatay sa hari at reyna. 'Di nila iyon magagawa kung pipitsugin lang ang namumuno sa kanila," mahabang wika niya sa asawa.
"Natatakot ako para sa anak natin, honey.. "
Niyakap niya ang kaniyang asawa.
"Kahit ako man, honey. Pero gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang nag-iisa nating prinsesa. Kahit napaka-pasaway ng anak natin, hindi ko kakayaning may masamang mangyari sa kaniya. Handa kong ibuwis ang buhay ko para sa anak natin! Para sainyo!" Gumalaw ang panga niya.
Rinig niya ang paghikbi ng kaniyang asawa. Ang mahigpit nitong pagyakap.
Naalala niya ang kanilang anak.
Kung paano ito umiyak at matakot ng makitang nagalit siya. Iyon kasi ang unang beses na nagalit siya ng husto rito.
Ito din kasi ang pinaka-mabigat na nagawa nito.
Kung bakit nagawa pa nitong kunin ang isang bagay na maaaring ikapahamak nilang lahat.
Pero wala ring mangyayari kung sisisihin niya pa ito. Nangyari na rin naman ang lahat.
She's our princess. Ang nag-iisang kayamanan naming mag-asawa.
Gusto man niya itong yakapin kanina, ngunit tiniis niya para malaman nitong hindi sa lahat ng oras nakakatuwang gamitin ang pagiging pasaway at makulit nito.
Kailangan niya itong turuan ng tama.
Hindi dahil nabawasan ang pagmamahal niya para sa anak. Dahil hindi iyon mangyayari.
Nag-iisa nila itong prinsesa. Ang kasiyahan nilang mag-asawa.
Ang dahilan nang kaniyang pagpapalago ng kanilang negosyo upang ipamana rito ang lahat-lahat.
Ngunit mawawalang saysay ang lahat ng paghihirap niya para sa anak kung mapapahamak din lang naman pala ito.
Mas gugustuhin niyang maubos ang lahat ng kayamanang mayroon sila. Maprotektahan lamang ang kaniyang pamilya!
"I'm sorry, honey. Kung hindi ko lang sana pinayag--"
"No, honey. Huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ako nang bahala."
Wala siyang naiisip ng mga oras na iyon kun'di ang magkapatid na Hamish. Ang inaasahan niyang makakatulong sa problemang kinakaharap nila ngayon.