Napawi ang ngiti sa labi ni Scarlett ng makitang ang dalawang agent na babae ang maghahatid sa kaniya sa University. "Nasaan ho ang bodyguard ko?" tanong ko. "May pinuntahan lang ho senorita. Babalik din naman daw siya 'agad," sagot ng isang agent. Nakaramdam ako ng matinding pagtatampo. Hindi ko alam kung bakit' di nito magawang magpaalam kung aalis ito. Pagkarating sa University. Ngiting-ngiti ang kaibigan ko. "Kumusta ang bakasyon?" Natawa ako ng makitang nanunukso ang mga mata nito. Hindi ko alam na masyadong matalas ang pakiramdam nito. "Ayos lang naman," sagot ko. "So, anong nangyari noong gabing debut mo?" Biglang pinamulahan ang mukha ko. Lalo na nang humagalpak ito ng tawa. "Oy, ang kaibigan ko. Namumula! May nangyari bang kababalaghan?" Sabay tawa nito. "A-anong kabab

