MARYCOLE Tahimik lang ako habang nakasakay kami ni Rowan, ng taxi pagtungo sa condo ko. Lumabas din kami agad sa ospital ng pagkatapos namin mag-usap. Pareho pa kaming mag-asawa tila ba nagpapakiramdaman lang kami sa isa't isa kung sino ang unang babasag ng katahimikan. Gusto ko sana siyang kausapin nakahiyaan ko lang. Aminado guilty ako. Oo, na-guilty ako masyadong immature na desisyon. Hayss, walang tunog na singhap. Napangiti ako ng maisip na buntis na pala ako. Masaya kong hinaplos ang impis ko pang tiyan at lihim na kinausap iyon. 'Pasensya na baby, at nag ala Dora si Mommy. Promise hindi na mauulit ang pag-aalsa balutan ni Mommy at talagang hindi na puwede maulit. Baka magalit na ng tuluyan si Daddy mo.' 'Baby, is there a problem?" nilingon ako ng asawa ko. Malalim pa ito humugot

