CHAPTER 80 HAZEL's POV: "KAILAN NIYO BA TALAGA ILILIGPIT ANG BABAENG ITO, PAPA? Simula nang dumating siya kahapon ay nagkandalech-leche na ang mga plano ko!" bigkas ko sa taong kausap ko sa telepono. No other than, Mr. Chou. Yes, siya nga ang papa ko. Ang kapatid ni Tito Javier ay si mama na matagal ng pumanaw. Simula pa noon ay masyado nang pinagpala si Tito Javier. Laging sumisikat ang negosyo niya. Lahat ng mga pinapasukan niyang negosyo ay malaking pera ang pumapasok at natatalo lagi ang negosyo ni papa. Ika nga nila, business is a business. Kaya walang pami-pamilya pagdating sa negosyo. Pero sumobra na si Tito Javier, nagawa niyang banggain ang negosyo ni papa at nakipagkompetensya pa siya kay dad para lang maging matunog ang pangalan niya. Kaya ayon, umapaw ang galit ni papa na

