CHAPTER 82 ANNIE's POV: "WALA PA BANG BALITA KAY TRISTAN?" tanong ko sa mga pulis na siyang pumunta rito sa mansion sa pag-aakala na meron na silang magandang ibabalita tungkol sa demonyong lalaki na pumatay kila papa. "Pasensya na Ma'am Annie pero wala talaga. Wala pa kaming natatanggap na impormasyon kung saan tumatago si Tristan," turan nito habang humihingi ng pasenya. "Yung hideout at safehouse na binanggit ko sa inyo? Napuntahan niyo na ba?" bigkas ko muli. Nagawa kong ibigay sa kanila ang lugar kung saan tumatago sila Tristan noong mga panahon na dinala niya ako sa bodega matapos akong mahospital. Lahat nang nalalaman ko kay Tristan ay siniwalat ko na. Ang hindi ko lang nasabi ay tungkol kay Aeron dahil ayokong madamay siya sa kasong isinasampa ko kay Tristan. "Nagawa na namin

