(Jason’s POV) Gaya ng sabi niya kay Anna Liza ay umuwi siya nang gabing iyon. Hindi pa rin nila nahuhuli ni isa sa limang lalaking nang-rape kay Anna Liza pero nasisigurado niyang hindi magtatagal ay mahuhuli nila ang mga ito. Ongoing na rin ang private investigation na ipinagagawa niya tungkol sa nangyari kay Anna Liza at sa paglabas ng resulta ay muli siyang babalik sa Manila. At sana sa pagbalik niya ay nahuli na ang mga lalaking iyon para mabigyan na niya ng hustisya ang nangyari sa mahal niya. Lumipas ang mga araw hanggang sa isa-isa na ngang napasakamay nila ang limang lalaking nang-rape kay Anna Liza at dumating na rin ang resulta ng imbestigasyong ipinagawa niya kaya muli ay nagpaalam muna siya kay Anna Liza na luluwas siya ng Manila. Mabuti na lang din at nakabalik na si Lol

