2019 | Kasalukuyan | Para sa atin, ang reyalidad ay hindi mapagkakatiwalaan. Kasi minsan, hindi natin pinaniniwalaan ang alam nating katotohanan. Dahil nga ba saan? Sa takot? Dahil nabubulag tayo, o talagang ayaw nating tanggapin? Tayo ang pumipili ng mundong ninanais nating galawan. Ngunit hindi lahat ng mundo natin ay nasa panig ng katotohanan. Kung kailan naman kasi unti-unti na nating nakikita ang totoong buhay, saka tayo nagbubulag-bulagan. Kakaibang awra ang nakapalibot sa buong pasilidad na iyon. May limang palapag ang gusali at ito ay napapalibutan ng kulay putting haligi. Kung titignan ito mula sa labas ay tila napakatahimik at mukhang abandonado, ngunit pagpasok mo sa loob nito ay roon mo pa lamang maririnig ang tunay na tinig ng impyerno. May mga nakadukong babae at ginugul

