KABANATA 16 Isang malaking nakaukit na pangalang Carson Group Of Companies ang nasa dingding ng building at sa gilid nito ay ang isang napakalaking letter C na sa wari ko'y simbolo ng kanilang kompanya. Parang ang pangalan nang kanilang kompanya ay nagsusumigaw nang karangyaan at intimidad. 'Yong tipong sa unang basa mo pa lang rito'y malalaglag na ang panga mo kasabay niyon ay ang pagsi-taasan rin ng mga balahibo mo. Napalingon ako nang makarinig ako ng isang hagikhik mula sa kiliran ko, at doon ko nakita si Ma'am Madeline na nakangiti na tila ba'y aliw na aliw ito sa reaksiyon ko, "Alam mo, ganyan rin ang naging reaksiyon ko no'ng una kong masilayan ang building na ito," aniya habang nakangisi. Para siyang nasisiyahan dahil sa reaksiyong kan'yang nakikita sa akin. Natatawang napailin

