KABANATA 10
Isang nagtatakang tingin ang ipinukol nito sa akin ng lumingon ito sa gawi ko, nagtataka kung bakit ko siya pinigilan mula sa paglalakad.
"Anong ginagawa mo dito sa kumbento?" tiim bagang na tanong ko sakan’ya. Ang puso ko ay nanunuot sa galit.
"Anong kapal ng mukha ang meron ka at bakit mo pa nagawang magpakita dito sa kumbento? Sa kumbento na kung saa’y saksi ang lahat kung pa’no mo ako hiniwalayan?!" nangagalaiting ko pang dag-dag na tanong dito.
Nanatili naman itong walang imik, na tila ba’y tinatantiya lamang nito ang nararamdaman ko.
“Anong kapal ng pagmumukha ang meron ka at bakit mo pa nagawang magpakita rito matapos mo kung ipahiya?! Ha?!”
Sa pagkakataon na itoy hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko, basta’t ang tangi ko lang alam ay galit na galit ako at punong puno ng galit ang puso ko at dapat ko itong ilabas bago pa man ako tuluyang mabaliw.
“Ha?! Ano sumagot ka!” gigil na gigil kong ani rito ng wala akong makuhang sagot sa mga nauna kung tanong.
“Sumagot ka Spencer! Sumagot kang tangina ka! Dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang lahat ng panlolokong ginawa mo sa akin! Sumagot ka! Dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin limot kung paano mo piniling hiwalayan ako sa mismong birthday ko at birthday mo pa talaga!”
Matapos bigkasin ang mga kataga na iyon ay tuluyan akong nanghina, ang kaninang galit na kinikimkim ko ay napalitan ng sakit, pagdadalamhati at kung ano-ano pa ng maalala ko ang mga araw na iyon.
Ang mga araw na kung saay lugmok pa ako sa lahat ng lugmok. Ang mga araw na kung saay para akong pinapatay sa sakit habang pinamumukha niya sa akin na pang kama lang ako at hinding hindi nararapat na mahalin ng kung nino man.
Dahan dahan akong napabitaw mula sa pagkakahawak ko sakan’ya bago ako napaupo sa unang baitang ng hagdanan.
Sinapo ko ang mukha ko at doon umiyak ng umiyak habang inaalala ang napakapait kong kahapon. Ang kahapon na kung saay muntik ko ng ikabaliw.
“H-indi ka naman nagsabi sa akin Spencer na may kasama ka pala, hindi tuloy ako nakapaghanda,” ang nakangiti kong ani sakan’ya ng makita ko ang isang babaeng naka lingkis sa braso niya habang malanding naka hilig sa balikat niya.
Nilakihan ko ang pagkakabukas sa gate, “H-ali ka’yo, pasok kayo,” ang aya ko pa sa mga ito habang nakangiti ng malapad kahit na’y sa totoo lang, takang taka na ‘ko, takang taka kung bakit niya kasa-kasama ‘yong transferee at campus crush namin. Nakangiti ako habang pinaanyayahan silang pumasok sa loob kahit nay sa totoo lang ay takang taka na ako, takang taka kung bakit kung makalingkis at makahilig ang babae na ito sakan’ya ay parang may relasyon sila.
“No need, Jeanshe.”
Napatigil ako sa ginagawa kung pagbubukas ng malaki sa gate ng marinig ko ang malamig niyang tinuran.
“H-a? B-akit naman?” taka kong tanong sakan’ya habang ang puso ko ay hindi na magkamayaw sa pagtambol ng malakas na hindi ko mawari kung ano ang dahilan.
Bumuntong hininga ng malalim si Spencer bago sinagot ang tanong ko, “Actually, d-umaan lang kami rito para sabihin sa’yo na..” bumuntong hininga itong muli na tila ba’y hirap na hirap itong bigkasin ang mga sumunod na kataga.
“N-a?” I asked coriously while my heart is beating so loud.
“Na m—“
“Na magpapakasal na kaming dalawa,” hindi na naipagpatuloy pa ni Spencer ang balak niya sanang sasabihin ng sumabat sa usapan ang babaeng nakalingkis sakan’ya.
“Ha?” ang tangi kong naitanong dahil sa pagtataka, gulat at halong halong emosyon dulot no’ng sinabi ng babae.
Like ha? A-nong magpapakasal?
The girl smiled sweetly at me, “We’re getting married Jeanshe,” ang nakangiting sagot no’ng babae sa tanong ko na siyang naging dahilan kung bakit nalaglag ang panga ko at kung bakit namasa ang mga mata ko.
“I-mposible,” ang tanging naibulong ko dulot ng hindi ako makapaniwala. Like heck, anong pinagsasabi ng babaeng ito? Anong we’re getting married e samantalang as far as I remember ako ang girlfriend ni Spencer at ako ang pinangakoan niya ng kasal? At saka isa pa, napaka imposible naman ng po ng babaeng ito kasi ako ang mahal ni Spencer.
The girl sweetly smiled at me for the second time, “Incase you don’t know me, I am Valentine Boagar soon to be Mrs, Carson and I am his fiancée,” she said while smiling widely. Inilahad niya ang kamay niya sa akin na siyang parang tangang tinanggap ko naman, “Birthday mo today right?” she asked, still magkahawak pa rin ang mga kamay namin, wala sa sariling tumango naman ako, nakatulala lang aksi ako, hindi kasi kayang prosesohin ng utak ko ang lahat-lahat na nalalaman ko kung kayat wala sa sariling tumatango ako, “Well happy break up—opss sorry—happy birthday pala,” she said wetly while teasing me.
Napatulala naman ako sa tinuran niya, kasabay niyon ang unti-unting pagluha ng mga mata ko habang wala sa sariling nakatingin sa pagmumukha ng babaeng kaharap ko, na kung umakto ay anghel pero ang totoo naman pala ay hindi.
Binitawan ng babaeng kaharap ko ang kamay ko, bumunot ito ng alcohol mula sa sariling bag nito, nilagyan nito ang sarili nitong mga kamay na tila bay nag di-dis infect ito dahil may nakakahawa akong virus na dala-dala.
Matapos ma disinfect ang mga kamay ay kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano ito tumingkayad upang abutin ang pisnge ni Spencer. Wala sa sariling tumulo naman ang mga luha ko bago dali daling napapikit ng mga mata ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano lumapat ang labi niya at ang labi ni Spencer sa isa’t-isa.
Wala sa sariling naimulat ko ang mga mata ko ng hindi ko na kinakaya pa ang sakit. Ang sakit na nararamdaman ko habang lumuluha ng nakapikit. I felt betrayed, I really really felt being betrayed.
"Doon na lang kita hihintayin sa sasakyan ah? Para makapag-usap kayo ng masinsinan ng girlfriend mo na soon to be ex girlfriend muna, ‘cause she really needs to know the truth, honey." Ang mga kataga na iyon ay ang namulatan ko pagkamulat na pagkamulat ko pa lang sa mga lumuluha kong mga mata. At kahit na’y nanlalabo na ang mga paningin ko dulot ng mga luha na patuloy pa rin sa pagkawala mula rito ay kitang kita ko pa rin kung paano dumukwang ang babae upang halikan sa labi si Spencer matapos sambitin ang mga kataga na iyon.
Matapos humalik sa mga labi ni Spencer ay tumalikod na ito bago pakembot-kembot na lumisan. Bahagya naman akong napairap sa nakita, akala mo kasi kung sinong may puwet kung maka kembot e, samantalang flat naman.
"Ano ang ibig sabihin ng mga 'yon Spencer?" naiiyak kong tanong sakan’ya ng tuluyan ng makalayo ang babae mula sa gawi namin. Umiiyak habang umaasa na sana'y hindi totoo ang lahat ng iyon. Na sanay pinaglalaruan lang ako ng babaeng iyon, na sanay ako pa rin, ako pa rin ang magiging kasama niya sa pagtupad ng mga pangarap niya.
Inabot ko ang mga palad niya ngunit tinabig niya lamang ito na siyang naging dahilan kung bakit mas lalo pa akong nasaktan. Pakiramdam ko kasiy may kung ano akong virus na pinandidirihan niya kung kayat iniiwasan niya talagang dumapo ang mga palad ko sa palad niya.
For the second time, I tried to hold it again, ngunit kagaya no’ng mga nauna’y tinabig niya lamang ako palayo sakan’ya, "Spencer, sagutin mo naman ang tanong ko oh," nagmamakaawa kong ani, nangungusap ang mga boses habang pilit na inaabot ang mga kamay niya, samantalang siya naman ay pilit rin tinatabig ang mga kamay ko palayo sakan’ya.
Iniwas niya ang mukha niya mula sa gawi ko sabay sabi sa mga katagang hindi ko inaakalang dudurog sa mundo kong durog na durog.
"Let's break up!"
Parang nagpantig ang tenga ko at parang may kung anong lumukot sa puso ko ng marinig ko ang mga kataga na iyon. Instead of answering my damn question he wants to end our relationship.
Dahan dahan akong napadausdos at napaupo sa harapan ng gate. Para kasi akong nanghina—para kasing nawalan ng lakas ang mga tuhod ko matapos kong marinig ang mga kataga na iyon kung kayat lugmok na lugmok akong napaupo sa harapan ng gate.
Sinapo ko ang pagmumukha ko bago lumuluhang tiningala siya, “A-ng unfair, a-ng unfair unfair mo!” I said while crying so loud, trying to lift my feelings by doing it.
His face remain cold as ice, na tila bay hindi man lang ito natinag sa mga binitawan kong kataga at sa mga pag-iyak iyak ko. his face remain cold as ice like he didn’t care at all. Like I am just nothing for him.
Ang lamig lamig niya kung makatitig sa akin habang ako nama'y parang mamatay na dahil sa lungkot at sakit na nararamdaman ko.
Dali-dali akong napatayo mula sa pagkakasalampak ko ng makita ko ang pagtalikod niya mula sa gawi ko, pinalis ko ang mga luha na nasa mga mata ko sabay sabi sa mga katagang nagpapagulo sa isipan ko sa mga oras na ito,
"I-sang tanong, isang sagot, S-pencer,” my voice cracked, “M-ahal o m-inahal mo ba talaga ako?" dag-dag ko pang tanong sa mga sinabi ko habang hinahanda ang sarili sa maari kung marinig na sagot mula sa mga kataga na itinanong ko sakan’ya.
Honestly, I really really hate questioning someone about his or her love for me. But this time I can’t help myself but to ask those, I can’t help because of the thought, that all those years that we’ve spent together, did he love me? Minahal niya ba talaga ako? Kasi kung oo, bakit niya nagawa ang lahat ng ito? Bakit sa isang iglap lang ay naglaho ang lahat na meron kami? Bakit bigla na lang sinabi ng babaeng iyon na siya ang fiancé niya gayong kaming dalawa naman ang magkarelasyon? And the last time I check, he love me but now I don’t know, I don’t really really know.
Napatigil siya sa ginagawa niyang paglalakad at para siyang napako sa kinatatayuan niya dulot ng mga salitang isinambit ko sakan’ya.
Hindi ko na kinaya pa, sinulit ko na ang pagkakataon. Dali-dali kong tinakbo ang pagitan naming dalawa at saka ko siya yinakap mula sa likod.
"M-inahal mo ba talaga ako?" umiiyak kong tanong sakan’ya habang nakayapos ako mula sa likuran niya. Umaasa na sanay minahal nga niya talaga ako. Umaasa na sana’y oo siya, dahil kung hindi, hindi ko na alam pa kong ano ang gagawin ko, dahil paniguradong mas maduduruog pa ako kahit nay durog na durog na ako.
I heard him stiffed before heaving a sighed,
"I n-ever loved you Jeanshe,” paninimulang ani n’ya at ang paninimulang pagkawasak rin ng buong mundo ko, unti-unting lumuwag ang pagkakayapos ko sakan’ya dahil sa mga narinig ko, “I never loved you, Jeanshe because I just use you to make myself pleasure.”
Gusto kung takpan ang tenga ko dahil parang hindi kaya ng puso at sarili ko na prosesohin ang mga katagang sinabi niya at hindi ko inaakalang mas gugustuhin ko na lang palang mamatay kesa takpan ang tenga ko dahil sa mga sumunod na katagang binitawan niya.
“I just used you, Jeanshe. Ginamit lang kita. Ginamit lang kita kasi gusto kong makuha ang pagka birhen mo, sabi kasi ng mga kabarkada ko noon, mas masarap daw ikama ang mga birhen which made me f*****g curios, curious on how it taste dahil noon kasi palagi lang mga laspag ang nakakama ko,” he take a deep breathe bago niya tuluyang inalis ang mga kamay ko mula sa pagkakayapos ko sa bewang niya, naalis niya naman ito ng walang kahirap-hirap dahil sa kadahilanang wala na akong lakas. Wala na akong lakas na kumapit pa sa naging dahilan kung bakit naging marupok ang pundasyon ng buhay ko.
“At sakto namang nakilala kita, the playing innocent girl who’m I thought that virgin, at sakto nga ako sa akala ko na iyon dahil virgin ka nga talaga ng makuha kita, but now..” he paused, dali dali ko namang tinakpan ang tenga ko para hindi ko marinig ang mga sumunod na katagang sasabihin niya, tinak ko ang tenga ko dahil parang alam ko na, alam ko na kung saan tutungo ang mga katagang sasambitin niya.
And I am right, I am freaking right dahil kahit tinakpan ko na ang tenga ko’y narinig ko pa rin ang mga katagang inaasahan kung maririnig ko mula sakan’ya. Ang mga katagang hindi ko inaakalang papatay sa puso ko ng paulit-ulit, “…laspag ka na,” he continued which made my fragile heart bleeds like there’s no tomorrow.
Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa mga katagang isinambit niya, parang binagsakan ng langit at impyerno ang mundo ko dahil sa mga sinabi niya. para akong na blanko na tila ba’y hindi kayang prosesohin ng utak ko ang lahat lahat ng mga sinabi niya at para rin hindi kayang kainin ng sikmura ang mga isinambit niya,
“N-o, hindi, hindi ‘totoo ang mag sinabi mo! Hindi totoo ang mga sinabi mo Spencer! Sabihin mong hindi totooo ang mga sinabi mo sa akin, Spencer! Maawa ka! Sabihin mo sa akin na nagbibiru ka lang Spencer! Sabihin mo, pakiusap,” ang parang baliw na sunod-sunod kong pagmamakaawa sakan’ya habang lumuluhang nakatingin sa bulto niyang unti-unti ng papalayo mula sa gawi ko.
Kulang na lang ay ang lumuhod ako sa harapan niya habang sinasambit ang mga kataga na iyon para lang, para lang bawiin niya ang mga katagang sinabi niya. kung kakailanganin kong ibaba ang pride ko gagawin ko! Gagawin ko sapagkat mahal na mahal ko siya!
Imbes na tumigil siya mula sakan’yang paglalakad upang daluhan ako at sundn ang mga pagmamakaawa ko sakan’yang bawiin niya ang mga kataga na iyon dahil hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala siya, ay hindi niya ginawa. Bagkos nga’y ipinagpatuloy lamang nito ang mga paglalakad nito papalayo sa gawi ko na para bang wala lang itong narinig.
Tangina! Ang sakit! Ang sakit sakit tanggapin na ang dating lalaking nangako sa akin ng kasal ay nangangako na naman sa iba. Ang sakit! Ang sakit sakit tanggapin na ang lalaking mahal na mahal ko ay hindi pala ako totoong minahal. Ang sakit sakit ti the point na gusto ko na lang hukayin ang sariling hukay ko at doon ilibing ang sarili ko na buhay. f**k! Damn! Ang sakit!!
Sa araw na iyon ay saksi ang buwan at ang kalangitan kung paano niya ko iniwan. Kung paano niya ‘ko iniwan sa mismong araw ng birthday niya at birthday ko. Saksi ang buwan at ang kalangitan kung paano ako nalumgok at iniwan niyang luhaan.
"Asan na ang—" hindi niya na natapos pa ang gusto niya sanang sasabihin ng makita niya kong lugmok na lugmok habang nakatanaw sa gawi nila, sa gawi nilang naghahalikan bago sumakay sa kotse nila.
Yinakap niya ‘ko at ang tangi ko lang nagawa ay ang umiyak sa mga balikat niya.
"Narinig namin ang lahat, iiyak mo lang ang sakit," Eman whispered while hugging me, at para namang naging hudyat ang mga sinabi niya na iyon. Hudyat kung bakit nagistuluan ang dobleng doble kong luha.
"I-tapon mo ang lahat Eman, please,” bulong ko sakan’ya habang nakayakap sakan’ya, ang tinutukoy ay ‘yong mga surpresa na hinanda ko para sakan’ya.
Napakasakit tanggapin na sa araw mismo ng birthday ko at ng birthday niya ay ang siya ring araw na pinili niyang wakasan ang namamagitan sa aming dalawa. Afterall, today is our birt—breakup day, may pa surpresa pa naman sana ako sakan’ya na nauwi lang sa wala.