THE ENCOUNTER
“MOM!”
“Isa pang tawag mo Freda Noelle hindi lang isa ang ibibigay ko sa ‘yong bodyguard.”
Natahimik at napanguso na lang ako sa banta ni Mommy dahil alam kung totohanin n’ya ang sinabi. Bigla tuloy akong na stress dahil sa ideya na ang s’ya ang nakavirgin sa akin tapos s’ya din ang walang tigil na bubuntot sa akin. Kapag nalaman ito ng mga bakla ay talagang uulanin ako ng tukso at mga tanong nila.
Hindi na ako nakadaan ng opisina kahapon dahil sa inis ko tapos pinapaalala sa akin ni Kuya na hindi na daw ako makakainom. Hinatid lang n’ya kami at umalis din s’ya dahil may meeting daw itong muli para sa paparating na eleksyon.
At kahit anong gulong ko dito sa kama ay hindi mawala sa isip ko ang lalaking ‘yon. Hindi pa rin magsink in sa utak ko na magkakaroon ako ng bodyguard dahil lang sa ayaw nila akong lumabas lagi. Nakukuha ko naman na natatakot si Mommy dahil nasa politika pa rin ang kapatid ko kahit pa sobrang smooth naman ng takbo nito.
“What?” sigaw ko nang sagutin ang tawag ni Cheska.
“Where the hell are you?”
“Bed? I’m so dead baks. I want to rest halos wala pa akong tulog since that night.”
Halos mawala ang puti ng mata ko dahil sa nakakainis na irit at reklamo ni Cheska sa kabilang linya. Siguradong kapag hindi ko sila pupuntahan ngayon ay uulanin ako ng simangot at pagmamaktol nito sa opisina.
“Oo na tatayo na. Bwesit ka talaga!”
“Mabuti naman. Akala ko kailangan pa kitang sunduin at hilahin palabas d’yan sa bahay n’yo eh!”
Matapos magpaalam kay Cheska ay ilang minuto pa akong nanatili sa kama bago tumayo at nag-aayos. Mukhang hindi pa naman ngayon mag-uumpisa ang lalaking ‘yon kaya malaya pa akong gawin ang gusto ko. Ang inaalala ko ay ang makilala n’ya ako dahil talaga bugbog ako kay Kuya kapag nagkataon lalo na kay Mommy na kung tratuhin ako ay dise-sais anyos lang.
Suot ang robe ko ay naghanap ako sa dresser ng damit na pwede kong suotin. Kailangan ko na talagang magshopping parang wala na akong masuot. Tsk!
Isang denim shorts at croptop top ang suot ko. Pinatungan ko na lang ito ng jacket para hindi masyadong agaw pansin. Nagsuot lang ako ng sneakers bago kinuha ang sling bag ko at naglakad na palabas ng kwarto ko. Pero nasa unang baitang pa lang ako ng hagdan pababa ay ramdam ko na ang mata ni Mommy na nakatitig sa akin na parang agila. Kapag ganito s’ya ay lagi kong naiisip kung bakit hindi pa ako bumukod sana hindi ako nasisermunan ng husto nilang dalawa ni Kuya.
“At saan ka naman pupunta?”
Wala pa nga akong sinasabi nakasinghal na agad si Madam Devlin. “Mom, I just need to check something at the office. Cheska and Telly is waiting for me at the office.” Dadaan naman talaga ako ng office pero syempre gusto ko lang magtanggal ng stress at hangover ko.
“Trenta ka na pero hindi ka pa rin magaling magsinungaling, Freda Noelle.” Napanguso na lang ako sa sinabi ni Mommy. Ganito yata kapag nanay ang lakas ng intuition wala akong maitago sa kanya. “Kaya hindi mapakali ang kapatid mo na pagala-gala ka sa labas eh,” bulong n’ya sapat lang para marinig ko.
Napangiti na lang ako ng tumayo na s’ya at maglakad papunta ng kusina. Ang sabi ko sa kanya ay bukas na ako maghahanda ng hapunan para dito sa bahay at sa mga kasama namin. Uubusin ko muna ang oras at araw ko ngayon para magsaya dahil bukas mag-uumpisa na ang jologs na lalaking ‘yon para bantayan ako.
“Bye, Mom! I will not get drunk,” sigaw ko habang palabas na ng bahay. “Uuwi po ako ng maaga,”” pahabol ko.
Pumara lang ako ng taxi bago nagpahatid sa kung nasaan ang mga bakla. Hindi na ako nagdala ng kotse dahil kapag nalasing ako ay papagalitan na naman ako ni Kuya kapag iniwan ko ‘yon kung saan. Hindi ko talaga alam kung bakit kung tratuhin nila ako ay parang bata kahit ang tanda-tanda ko na.
Nagpababa muna ako sa building kung nasaan ang opisina ko dahil may kailangan akong pirmahan. Pagpasok pa lang ng building ay binati na ako ng mga empleyado na nakakakilala sa akin. Ang company ko ay inuukopa ang isang palapag sa building na ito at meron akong singkuwenta o higit pang tauhan sa opisina pa lang kasama ang mga maintenance namin.
I am running a modeling agency. I am also used to being a model so I got to know a lot in my work. It only started when I was rude once and Kuya was very angry so he insisted that I be on my own. My friends also agreed about it and join me and here I am owning a place in the world I also love.
“Happy birthday, Miss Freda!”
Iyon ang sabay-sabay na bati ng mga tauhan ko nang eksaktong bumukas ang elevator sa palapag namin. Sinalubong nila ako na may dalang banner at cake para sa akin. At pagpasok sa loob ng opisina ko ay napangiwi na lang ako sa dami ng cake, regalo at mga bulaklak para sa akin. Sana’y ako sa mga ganito noon dahil nagmomodelo pa ako pero ngayong trabaho na lang ang inaasikaso ko ay minsan nagugulat pa rin ako.
Pinaayos ko lang ang mga regalo at ibang cake sa cmpany driver at pinadala sa bahay pati na rin ang ibang bulaklak na bigay sa akin. Tapos naman na ako magpakuha ng litrato kaya pwede ko ng ipamigay sa kanila ang mga pagkain. Inaantay ko nalang ang mga pinaorder ko pa para sa kanila dahil hindi rin naman ako magtatagal at baka kalbohin na ako ni Cheska at Telly dahil sa sobrang tagal ko.
I needed to leave 'cuz my friends kept on calling me, but when I arrive in front of the elevator my lips twitched. I was going to step back, cuz I don't want to make siksik on them. I forgot that it's already past office hour so people are plucking here rushing to go home.
"Oh, my! Oh, God!" bulong ko nang maitulak ako ng maitulak ng mga tao papasok at nasiksik sa taong nasa harap ko. Napangiwi pa ako ng tumama ang mukha ko sa dibdib ng kung sino at hindi na ako makagalaw dahil sa mga taong nasa likod ko. "I'm sorry!" bulong ko sapat lang para marinig ng taong nasa harap ko.
"Akala ko kapag lasing ka lang wild. Hindi ko alam na pati pala sa harap ng maraming tao."
Natigilan ako at dahan-dahang tumingala sa taong sinasandalan ko ngayon at halos manlaki ang mata ko ng makita kung sino ito. At napamura na lang ako dahil sa ngising binigay nito sa akin na para bang magkakilala kami. "Fvck you!" Mura ko sa kanya pero mas lalo lang lumaki ang ngiti niya sa akin na para bang may nakakatuwa sa sitwasyon namin ngayon.
Napasinghap ako at bahagyang napapikit ng bigla itong yumukod sa harap ko. "Fvck me? You already did, baby!" he whispered on my ear enough for me lose words.
“Bakit ang tagal mo? Are you with someone?”
“Tsk! Sinabing dumaan ako ng office. Ulit-ulit?” angil ko dahil walang tigil ang diskumpyadong mga tanong ni Cheska sa akin. Akala mo may kalaguyo ako kung magtanong eh! “Where’s Telly?”
“Nasa counter. Nag-order na siya ng kape tapos lipat na tayo sa kanila para sa dinner,” Cheska said as he fix his make up.
Abala ako sa kape ko kahit walang tigil sa pagkukwento si Cheska at Telly sa kung gaano kasaya ang nangyaring party kagabi. Hindi ako makarelate dahil wala naman akong maalala kahit isa bukod doon sa lalaking nakita ko sa tabi ko nang magising ako. At iyon ang mas kinakatakot ko kaya hindi rin ako makapagfocus dahil baka bigla nilang maalala ang bwiset.
“Anyway what happened to the guy, Ida? Have you s*x with him?”
Halos mabilaukan ako sa tanong ni Telly na pati ang nasa tabi naming mesa ay napalingon sa amin. “Please do remind yourself who is my brother and what he does. Sa susunod hindi na lang isang bodyguard ang nakabuntot sa akin dahil sa inyo eh!” Reklamo ko para tumigil na sila sa pag-uusap tungkol sa nangyari kagabi.
“So, ano ngang nangyari? Spill the tea, Freda Noelle!”
“Oo nga. Don’t worry we won’t tell your brother,” nakangisi pang pagsang-ayon ni Telly sa sinabi ni Francisco.
Kinuha ko ang baso ng kape ko at mabilis na humigop doon bago muling bumaling sa dalawang mukha na nakatanghod sa akin. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa sa pagsasabi sa kanilang wala akong maalala kahit isa sa nangyari sa aming dalawa. At kung meron man siguro ay mas pipiliin ko na lang na kalimutan dahil baka magpakain na ako sa lupa dahil ang lalaking ‘yon ay araw-araw kung makakasama.
“We had s*x and I don’t remember a fvcking thing,” pag-amin ko.
Ang swerte naman nila kung sasabihin ko na nakita ko ang mukha ng lalaking nakasex ko. Siguradong gagawin nila akong pulutan mabuti na lang at dalawang lang sila dito dahil siguradong iiyak ako sa stress para mapatigil sila.
“Seriously? Even a thing?” I nod. “Even the peak moment?” I nod again.
“Wtf!”
Gulat akong halos mapatayo ng biglang sumigaw ni Telly at Francisco. Magsasalita pa sana ako pero sabay naming nilingon ang biglang pagkakagulo ng mga tao sa paligid namin.
And when I saw who is coming towards us my face instantly frown. I really hate it when people show up unannounced. It feels like they are trying to get someone's attention by showing up late or unannounced, I should be the only one doing it.
“Here comes the feeling entitled,” Telly whispers.
Huminto sa harap ng mesa namin ang isang matipunong lalaki na nakasuot pa ng amerikana na akala mo ay dadalo sa kung saan inaggoration kaya pormal na pormal ito. Napapaligiran siya ng ilang sa mga bodyguard n’ya na kung mag-bantay ay may magkakainteres na lapitan ang antipatiko nilang amo.
“Hi, baby! Miss me?”
Agad na nalukot ang mukha ko dahil sa sinabi ni Tom. “Baby mukha mo, Tomas! Umalis ka nga d’yan baka samain ka sakin,” angil ko ng humarang ito sa daraanan ko.
Hindi ako pinansin nito bagkus ay tinawag nito ang assistant n’ya na may bitbit na ilang mga paper bags. “This is my gift for your birthday. Alec told me you had a blast last night?” dagdag n’ya pa ng kunin ang mga paper bag at ilapag sa mesa namin.
Ang mga dala n’yang paper bag ay mula sa mamahaling brand ng bag na paborito ko. Sana’y na ako sa pabida n’ya dahil lagi n’ya akong dinadalhan ng mga ganito regalo lalo na kapag umuuwi s’ya galing ibang bansa.
“Wala ka na naman mapaggastusan ng pera mo. Kailan ka pala dumating?”
“Baby, I texted you my schedule,” kunot noo n’yang reklamo.
“Sorry wala akong maalala. Ihatid mo na lang ‘yan sa bahay dahil may pupuntahan pa kami.”
Hindi niya ako sinagot bagkus ay binalingan n’ya si Cheska na nasa tabi n’ya. “Where are you going, Ches?” tanong n’ya kay Francisco na abala sa pagseselfie.
“Party,” Telly answered while posing on Cheska’s camera.
Alam kung marami pang sasabihin si Tom kaya nag-umpisa na akong maglakad palayo sa mga kaibigan ko. At hindi nga ako nagkamali dahil hindi pa lumipas ang segundo ay nasa tabi ko na s’ya. Napapailing na lang akong napangiti ng ilapag n’ya sa kandungan ko ang jacket n’ya gaya ng madalas n’yang gawin kapag magkasama kami.
“Are you going to drink again? Good thing that your brother didn't scold you again?” Nang hindi ako sumagot ay malakas s’yang tumawa. “So, hindi n’ya na naman alam? Can i join you?”
Tiningnan ko lang s’ya at nang wala itong makuhang sagot mula sa akin ay tumawa na ito at nagpaalam. Pinagmasdan ko s’yang nakangiting kumakaway sa akin palayo bago ito sumakay sa kotseng nakaparada sa likod n’ya.
I wonder if everything happened before would change what we are now. I wonder if he would still be the same man who was head over heel on me.
Maingay at iba’t ibang kulay ng ilaw ang sumalubong sa amin pagpasok namin ng night club. Mula sa entrance ay wala na akong tigil kakangiti at kakasabi ng salamat dahil sa mga taong nakakakilala sa akin at binabati ako.
This is why I hate publicity.
Kung hindi ako kapatid mayor sana isa na lang akong magandang modelo na nalaos na at iilang project na lang ang meron kaya hindi na gaanong kilala ng mga tao. Sana nga ganun na lang baka hindi stress si Mommy kakasaway sa akin at hindi rin laging nakabantay ang kapatid ko.
“Oh, my! The mighty Freda Devlin is here.”
“Magpapainom ka ba?”
“Do we have to close the club?”
Iyon ang mga sumasalubong na tanong sa akin ng mga feeling close na kakilala ko. Anong feeling nila sa akin nagtatae ng pera? Matapos kung paghirapan ang pera ko hindi ko balak igastos ‘yon sa mga orocan na kaibigan.
Nilagpasan ko na lang sila at dumiretso sa mesa VIP table kung saan naghihintay ang iba pa naming kaibigan. At malayo pa lang ay naririnig ko na ang mga social butterfly kong kaibigan na tinatawag na ako habang bitbit ang ilang bote ng mga wine.
Mga lasinggera talaga!
Sabagay kahit ako ay hirap tanggihan ang alak. Masyado itong masarap para iwasan at tanggihan kaya aakapin ko na lang ito ng buong puso. Mahirap tanggihan ang mga bagay na pinagbabawal sa atin pero ito lang din ang nagbibigay buhay sa boring at nakakasakal na buhay natin.
“Freda! Omg! Omg!”
“Huminga ka, Jane baka himatayin ka na,” pagpapakalma ko sa kaibigan ko. “Ano bang nangyayari?” tanong ko nang medyo kumalma na ito.
“Omg, Freda! Did he pop the cherry?”
Napaawang ang mga labi ko sa tanong n’ya. “What the hell, Jane? Are you drunk?” Gulantang kung tanong sa kanya dahil para itong nagtanong lang ng oras sa akin.
Mabuti na lang at maraming tao sa club na kahit mga ibang kasama namin sa mesa ay hindi narinig ang tanong n’ya sa akin. Masyadong maingay sa paligid para intindihin kami ng lahat pero alam kung maraming galit sa akin kaya ayokong kumakalat ang ginawa kong kagagahan kagabi.
“I’m so happy for you, friend. You finally reach the womanhood.”
“Fvck you, Kelly!”
Kelly, Telly or Shane, Jane, and Francisco are my best friend. My best of friends who always at my side no matter what. Girls who never left me alone in the hardest moment of my life and here they are still a part of my 30th year of existence on earth.
“So, are you gonna make kuwento? We need details, Ida!”
Napaikot na lang ang mata ko sa paggatong pa ni Telly. Mukhang hindi ako makakatakas sa kanilang lahat kaya ng maupo ako ay pumalibot na rin sila sa akin at seryosong naghihintay sa ikukwento ko.
“Wala akong ikukwento kasi wala akong naaalala. Nang magising ako ay wala na din akong katabi,” pagsisinungaling ko pa. “Kaya tigilan n’yo na ang pangungulit sa akin dahil baka makarating kay Kuya.”
“Sa dami ng bagay na pwedeng mong hindi matandaan iyong masarap na parte pa talaga! Nakakaloka ka. Shot na nga,” dismayadong reklamo ni Jane sa akin.
Anong gagawin ko sa wala akong matandaan? Paano naman kasi talagang nilunod nila ako sa iba’t ibang alak na hindi na ako nakakain dahil sa sobrang party ko.
Walang tigil na tawanan, kwentuhan at sayawan ang nangyari sa amin sa nakalipas na oras. Akala mo ay may-ari kami ng club na ito sa sobrang ingay namin at kulit ng mga kasama ko. Ngayon ay halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa kay Kelly at Jane na nasa gitna ng stage at parang unggoy na nagpapagiling-giling doon.
“Wag kang KJ, Ida! Join us!”
Wala akong nagawa kung hindi pagbigyan si Kelly ng hilahin ako sa taas dahil si Telly at Cheska ay parehong lasing na at hindi na makatayo pa. Napagod na sa pangangapit-bahay ng mesa ang dalawa kaya magpapahinga daw muna sila.
I don’t have a choice but get up on my sit and join them. I am carrying a bottle of JD when I joined my two friends. Dancing and feeling the rhythm of the music while grinding my ass like there's no tomorrow feels like heaven. I feel like no one knows me and this place and nobody cares about what I am doing right now.
Napangiti ako ng may matigas na bagay ang dumikit sa likod ko, ngunit agad din itong nawala ng marinig ko ang sinabi nito. “Hindi ko alam kung suwerte ako o sadyang sinusundan mo lang ako.” Mabilis akong napadilat sa statement na ‘yon at napalayo sa taong nasa likod ko.
“I–Ikaw?”
“Bakit may iba ka pa bang inaasahan? Ako lang naman siguro ang nakasiping mo kagabi hindi ba? O baka sanay ka ding matulog sa ibang kama—”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng kusang lumipad ang kamay ko sa pisngi ng antipatikong lalaking ito. “Shut up! You don’t know me. We fvck, but it doesn’t mean you have the right to speak ill agaisnt me.” Tiim bagang at halos pigil ang boses kong mapalakas dahil sa mga taong nakapaligid sa amin.
“Ang dami mong sinabi wala naman akong naintindihan. Nasa pinas ka magtagalog ka! Tsk!”
Habol hininga at halos nanginginig pa ang mga kamay ko dahil sa galit at inis na nararamdaman ko habang nakatingin sa lalaking ngayon ay dahan-dahan ng nawawala sa lupon ng mga tao. At ngayon pa lang ay naiiyak na ako dahil araw-araw kong makakasama ang lalaking ‘yon at siguradong hindi ito ang unang pagkakataon na babanggitin niya ito.
Oh, God! Help me, Lord.
I just want to fvcking cry!