CHAPTER 27 FREDA’S POV Mabangong amoy ng pagkain ang gumising sa akin. Ilang beses pa akong umikot sa kama dahil ayaw ko pang bumangon pero talagang mabango ang naaamoy kong pagkain. Pagbaba ko sa kusina ay tanging bagong luto lang na pagkain ang nandoon sa mesa. Hahanapin ko sana si Greg pero malakas na ingay ang humila sa akin papunta sa veranda. Nang makalapit ako doon ay kitang-kita ko si Greg na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Nakikipaghabulan siya sa mga bagets na para bang hindi nakasalalay ang buhay niya sa trabahong ito. Sabagay sabi niya naman ay safe na safe ang lugar na ito at walang makakahanap sa akin dito. Nanatili pa ako sa veranda at pinanood sila dahil pati ako natutuwa habang nanonood sa kanila. Walang-wala ang energy niya sa mga bagets dahil ilang takbo pa ay hi

