CHAPTER 4 - MY PAST

2210 Words
CHAPTER 4 FREDA’S POV “Miss Freda, hindi po talaga namin macontact si Talia.” Napapikit na lang ako at naihilamos ang dalawang kamay sa inis. Malapit ko na talagang isako ang babaeng ‘yon dahil problema ang binibigay sa akin. Noong nakaraang linggo lang ay nahuli s’ya ng mga reporter na nakikipaghalikan sa isang lalaki sa bar. Ngayon na dapat ay nasa runway s’ya ay nawawala ang bruha. Malapit na talagang mamuti ang buhok ko sa mga babaeng ito. “Freda, s’ya na ang susunod pagkatapos ng dalawang aakyat. Anong gagawin natin? Marami pa namang—” “I know, Cheska and that girl are killing me right now. So, shut the fvck up!” Nagpabalik-balik ako sa loob ng dressing room sa pagbabakasaling maka-isip ako ng paraan dahil ikakasira ito ng agency ko. Regular designer ko pa naman na ang brand na ito kaya hindi ko ikasira dahil lang sa pasaway na model kong ito. Argh! Sasabunutan ko talaga s’ya kapag nagkita kaming dalawa. Nang marinig ko ang sigaw ng isang staff na kailangan na naming lumabas ay mas lalo akong nastress. Huminga na lang ako ng malalim at ginawa ang kailangan kong gawin dahil wala akong kasamang ibang model bukod sa ibang staff ko ay wala akong choice. “Double time,” sigaw ko habang nagkakagulo na ang lahat sa silid na ito. “No need for heavy makeup.” Nang bumukas ang pinto ay siyang pagbabago din ng reaksyon ko bago nag-umpisang maglakad kasabay ng musikang nangingibabaw sa buong lugar. Pagkatapos ng ilang taon ay ngayon lang ulit ako naglakad sa runway dahil sa bruha kong alaga. Every move, turn around and pose I did, all eyes were watching me. I am the finale and this two-piece dress I am wearing with a slit on the side shows my long legs that this industry loves. My Mom would surely go berserk when she heard this show. Ilang beses pa akong umikot at seryosong humarap sa kamerang walang tigil sa pagkikislapan sa harap ko. Hindi ko alam kung dahil ako ang modelo o sadyang maganda ang damit na suot ko. Nakakamiss din pala ang ganitong atensyon na nakukuha ko mula sa kanila dahil kapag nagkakagulo sila ay marami din akong bagay na nakakalimutan. “Oh, my. I didn’t know my next collection would have my baby Freda on it.” Habang naririnig ko siyang nagbubunyi at wala ding tigil ang mga ngiti ko sa camera matapos kong tanggapin ang bulaklak na inabot ni Monti ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Nanibago yata ako sa dami ng taong nakapaligid sa akin at interesadong malaman ang biglaang pagsulpot ko. Nagdahilan na lang ako na nadisgrasya ang modelo ko kaya ako ang pumalit ng biglaan dahil wala akong mahanap na kapalit. “Freda, tuloy-tuloy na ba itong pagbabalik mo?” “Lagi ka na ba naming makikita sa runaway ngayon?” “How does it feel after years of being on hiatus?” I’ve been doing this ever since I was a kid, but now these questions and these people are kind of overwhelming and it’s making me dizzy. Mahigpit akong napahawak sa kamay ni Monti ng tuluyan na akong makaramdam ng hilo at hirap sa paghinga. Naalala ko ang ganitong pakiramdam kahit matagal na ay naalala ko ang iba’t ibang emosyon na pinaramdam sa akin ng araw na ‘yon. At ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong takot at pagkalula sa dagsa ng taong nasa harap ko. I close my eyes as my vision gets blurry and I'm short of breath. But a shadow obscured everything I could see, as well as the people who kept approaching me. The person hugging me is drawing me away from the swarm of people who go awry around me. “Ayos ka lang? Nasaktan ka ba? May masakit ba sa ‘yo?” tanong ng lalaking nasa harap ko. “Tatawagin ko lang si Cheska para mailabas ka dito. Ihahanda ko lang ang kotse,” aniya bago dali-daling nawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung paano s’ya nakalapit sa akin. Pero habang pinagmamasdan ang kamay kong nakahawak sa bote ng tubig na inabot ni Greg ay wala pa rin walang tigil ang panginginig ng kamay ko. Sa unang pagkakataon ay nagpasalamat ako sa bodyguard na kinuha ni Mommy. Hindi ko alam kung saan s’ya nanggaling dahil mula ng pumasok kami sa venue na ito ay nawala na ito sa paningin ko lalo na at naging abala na din ako sa trabaho. Ilang segundo pa ang lumipas ay pumasok na si Cheska kasama ang ibang staff namin at si Monti bakas ang pag-aalala nila dahil sa sunod-sunod na tanong sa akin. Pare-pareho naming hindi inaasahan ang pagdagsa ng tao dahil sa paglabas ko na hindi naman kasali sa line up. Pagbalik ni Greg ay pinanood ko na lang ang mga kilos n’yang habang ilang beses s’yang nagpabalik-balik kay Cheska bago kinuha ang mga gamit ko at inalalayan akong tumayo. “Nasa labas na ang kotse kailangan na nating umalis.” Iyon lang ang sinabi n’ya bago nilagay sa balikat ko ang isang jacket at inalalayan ako palabas. “Are you okay? You look exhausted.” “I’m fine. What are you doing here?” tanong ko sa kapatid ko na bigla na lang sumulpot dito sa opisina ko. “Are you here to annoy me again?” “I saw you on the news. What happens to the event?” Alam nilang lahat na ayaw ko ng rumampa dahil sa parang nagkaroon na ako ng phobia sa maraming takot. Hindi ko na kayang tagalan ang pag-umpokan ng mga tao na para bang isa akong binebenta. Pero wala akong magawa dahil trabaho ‘yon at walang ibang papalit kay Talia. Sabay naming nilingon ang pinto ng opisina ng bumukas ito at pumasok ang mahadera kong kaibigan. “Mayorrr… nandito ka pala. Anong gusto mong inumin? Kape o ako?” Napaikot na lang ako ng parang uod itong namilipit sa harap ng kapatid ko. “No need, Cheska. Dada and I are going out,” Kuya Red said. Saglit lang silang nagkwentuhan ni Cheska bago nag-aya na si Kuya na umalis. Nagpaalam na rin ako sa lahat dahil wala rin naman akong panahon para pagalitan pa si Talia. Kinuha lang ni Kuya ang jacket ko at bag bago kami sabay na naglakad. “Kuya, nagugutom ako,” paglalambing ko bago inangkla ang kamay ko sa braso n’ya. “Saan mo ba gustong kumain? Pinauwi ko na pala ang bodyguard mo. Thank him tomorrow for helping you.” “It’s his job. Kuya.” “At least thank him. You are better than that, Freda Noelle.” Umikot na lang ang mata ko sa sinabi ni Kuya at hindi na nagsalita pa. Sabay na kaming bumaba ng building kasunod ang mga bodyguard n’ya. Tahimik ko lang siyang sinasabayan maglakad habang wala namang tigil ang mga taong nakakasalubong namin. Madalas talaga nakakalimutan ko kung ano ang trabaho nitong kapatid ko, lalo na kapag nag-aaway kami dahil lang sa maliit na bagay. Pasakay na kami sa kotse ng isang sasakyan ang pumarada sa harap namin. At nang bumukas ang iyon at lumabas ang sakay noon ay mabilis kong nilingon ang kapatid kong nasa likod ko. “Do I need to leave now?” nakangisi kong baling sa kanya pero sinamaan lang niya ako ng tingin. “Maybe you wanted to be alone.” Naupo lang ako sa loob at hinayaang nakabukas ang bintana ng kotse sa pag-aakalang mananatili pa si Kuya pero sumunod lang din siya sa akin at inutusan na ang driver na umalis. Nilingon ko siya na muling tahimik na naupo sa tabi ko kaya nanahimik na ako at hindi na siya tinukso kay Diane. Diane is my brother's ex and sister of Tomas. Our past is entangled with our future that’s why we ended up like this now. We’ve been doing this escaping and avoiding each other for the sake of the friendship our family has had for years. Maybe I’ll just learn to accept that past is past and it’s always been a part of me. Pagpasok sa restaurant ay pumili lang kami ng mesa para sa aming dalawa at sa mga bodyguard ni Kuya. Pero bago pa kami makaupo ay ilang grupo na ang nagpakuha ng litrato sa aming dalawa. “Are we waiting for someone? We haven’t ordered yet,” tanong ko dahil kanina pa kami nakaupo dito. “Are we waiting for Diane?” “Shut up! Oh, here he is.” My jaw almost fell when I saw who he was talking to. Of all people he really invited this asshole whom he knew I hated. “Mayor, salamat sa pag-imbita. Makakakain din ako ng mamahaling pagkain.” My, God! Nakakahiya naman itong lalaking ‘to. How dare he say that in front of a Mayor and his boss? God, his so annoying! Habang kumakain kami ay wala ding tigil sa pag-ikot ang mata ko dahil sa lalaking walang tigil sa pagtawa na parang may nakakatuwa sa nangyayari. At kung makipag-usap ito kay Kuya akala mo ay magkalevel lang silang dalawa. Hindi ako ang taong tumitingin sa estado ng isang tao para makisalamuha. Hindi kami ganoon pinalaki ni Mommy pero pagdating sa lalaking ito ay wala akong nakikitang maganda. Lahat ng nakikita ko sa kanya ay ang kagaspangan ng ugali niya at nagpapa-alala sa akin ng katangahan ko. “Salamat sa ginawa mo kanina para sa kapatid ko, Greg.” Nagpasalamat lang si Kuya ay wala ng tigil ang pagyayabang niya. Hindi ko alam na ganito lagi kahaba ang pasensya ni Kuya sa mga ganitong tao. Nagagawa niya pa talagang makipagkwentuhan sa bodyguard ko na para bang close silang dalawa. Ngunit natigil lang pagkukwentuhan nila ng pumasok ang isang maingay na grupo at huminto sa tapat ng mesa namin. At ngiti sa labi ng dalawang lalaking kasama ko sa mesa ay agad na nawala na animoy nakakita sila ng multo. “I just want to check on Ida,” Tomas replied as he sit beside me. “Are you okay?” “My sister is fine. She doesn’t need your concern now, Dennis. Anyway, she wouldn’t experience that if it’s not because of you.” Mabilis kong nahawakan ang kamay ni Kuya para tumigil na ito. Maraming tao sa paligid at iba ang isipin ng mga taong makakarinig sa kanilang dalawa dahil ang bodyguard na kasama ko ay abala sa pagkain at walang pakialam. “Tumigil ka na nga Tomas. Long time no see, Pyke, Jim,” baling ko sa dalawang lalaking naupo sa kabilang lamesa. “Were glad you’re okay, Ida. You want me to check up on you?” Napangiti ako sa offer ni Pyke na akala mo ay may malalang mangyayari sa akin. Naalala ko pa kung paano nila ako sunduin kapag naglalasing ako o napapa-away. “Ayos lang ako. Salamat sa pag-aalala sa akin. Itanong mo kung okay ‘yong kaibigan mo baka atakihin sa sama ng loob ‘yan,” nakangisi kong baling kay Kuya. Nagtawanan sila na mas ikinasimangot ni Kuya Red. Literal na namumula siya ngayon dahil sa inis sa akin. “Mayor, masarap pala ang pagkain sa mamahaling restaurant ano? Pero paano ba kayo nabubusog sa ganito kaliit na hiwa?” basag ng lalaking walang’ya sa maingay na paligid niya. “Is that so? I can order you anything—” “Who is he?” Jim ask. “Don’t mind him” sabat ko bago muling nagpatuloy sa pagkain. “He is just my bodyguard.” Hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon ni Greg sa sinabi ko dahil abala ang mata ko sa kamay ni Tomas na umangkla na sa balikat ko. “Tigilan mo ang paglalandi sa kapatid ko, Dennis. Kung napalagpas kita five years ago it’s because my sister stop me, but don’t expect for a second chance.” Lahat ay natahimik sa sinabi ni Kuya pati ang bida-bida kong bodyguard. “Mayor kailangan ko na bang umalis? Mukhang personalan na po ang pinag-uusapan n’yo eh.” Pinanlakihan ko lang ng mata si Greg pero ngumisi lang ito at nagkibit balikat bago nagpatuloy sa pagkain ng walang marinig na sagot sa mga kasama ko. At ayoko ng kinallagyan ko ngayon dahil hindi ako komportable at hindi pa ako nakakabawi sa nangyari kanina sa akin. “You know that it was all a mistake, Red. I just thought she need help I didn’t know she needed different kinds of help.” Bumuntong hininga na lang ako dahil muli na namang naungkat ang usapang ‘yon. Usapang ayoko ng nabubuksan lalo na at ilang taon na ang lumipas at gusto ko nalang sana itong kalimutan. Pero ang mga taong nasa paligid namin ay hindi pa rin nakakalimutan ang bagay na ‘yon. Ever since I meet these people I already set my eyes on Dennis Tom Oliveros. My brother’s best friend became my fiance five years ago on the day of our wedding. A girl stop the wedding and played a video of her and Tomas having s*x. I don’t know which one I lost that day. I don’t know if it’s my dignity as a woman or the shame for my family.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD