CHAPTER 13 - FREDA’S POV “Good job, everyone! Let’s call it a day and spend the whole day tomorrow to enjoy before we go back to the city.” Sa dalawang araw kong pananatili dito sa bataan ay ang sabi ni Cheska wala daw akong ginawa kung hindi ang magmando at panoorin sila o di kaya’y maghapong humarap sa laptop ko. Siya daw ang pagod kaya wala daw akong karapatang magpahinga ngayon at bukas. Pagbalik daw ng Manila ay babawi siya dahil talagang pinagod ko daw siya kakatrabaho nitong mga nakaraang araw. Okay na ako kasi nairaos namin ang event kahit maraming problema pero nang makita ko si Greg na naglalakad palapit sa akin ay parang sasama na naman yata ang araw ko. “Busy ako kaya wag mo akong umpisahan, Gregorio!” Umpisa ko ora mismong pagkatigil niya sa tabi ko. “Ang oa mo nama

