CHAPTER 7
FREDA’S POV
“Stand straight. Walk like you own the world. How many times do I have to tell you that don’t slouch?”
Isang oras pa lang ako dito sa agency ay masakit na ang lalamunan ko at pagod na akong kakasigaw. Maganda nga pero daig pa ang lutang sa wala itong maintindihan kahit ilang beses ko ng inuulit ang gagawin nila. Isang buwan na lang at isasalang na sila pero hanggang ngayon ay hindi pa masunod ang guidelines nila.
“Just tell me if you don’t want to do this job. My talent fee is not free either,” naiinis ko silang tinalikuran dahil malapit na talagang maubos ang pasensya ko.
Hindi ako sa opisina ko dumiretso dahil gusto ko munang huminga. Kaya habang umaakyat ako papuntang rooftop ay nakasunod din sa akin si Cheska na walang tigil kakadaldal. Lately ay nagiging toxic ako sa mga model ko at sila ang napagbabalingan ng inis ko kay Greg. Naupo ako sa bench at kinuha ang sigarilyong nasa bulsa ko. Sa isang araw ay laging merong isang stick ng sigarilyo ang nakatago sa bulsa ko.
I use it for emergency purposes.
“You okay?”
“Nag-order ka ng pizza? Nagugutom ako,” sagot ko kay Cheska na malayo naman sa tanong n’ya. “Have you seen my bodyguard?”
“Yeah. He’s waiting for you on the stairs. I told him to be at ease dahil hindi ka naman aalis.”
I didn’t tell them about what happened to me and Greg. Hindi ko rin naman alam kung paano ko sasabihin na kusa kong binigay ang sarili ko sa bodyguard ko. I am not belittling his job, but the fact that I hate him doesn’t make sense at all. And every time he is around I am always irritated and annoyed on everything ‘cuz I fvcking can’t argue with him.
Pagbalik ni Cheska ay kasunod n’ya na si Greg at bitbit ang mga pagkaing inorder namin. Nilapag n’ya lang ito sa lamesang nasa harap ko bago naglakad papunta sa isang sulok. Tinago ko sa ilalim ng mesa ang sigarilyong hawak ko kaya hindi ko alam kung nakita n’ya ito. Bida-bida pa naman ang lalaking ito baka magpabibo na naman kila Mommy at isumbong ako.
“What happen?” tanong ni Jane ng maupo sa tabi ko.
“Nagugutom ako.”
“Greg, you want to join us? It’s too early to drink and I have some shoot late so we will just eat,” Telly call Greg who was still sitting on the corner.
Agad na nalukot ang mukha ko ng maglakad palapit sa amin si Greg pero nagkibit balikat lang ang mga katabi ko. Wala akong choice kung hindi mabilis na itapon ang sigarilyong hawak ko. Kumuha na lang ako ng plato at naglagay ng pagkain bago muling naupo sa isang gilid dahil parang hindi ako makahinga sa daldal ng mga katabi ko.
“Hey, ba’t ang tahimik mo? May sakit ka ba?”
“She’s just having a bad day lately. Just let her,” sabat ni Cheska kay Kelly.
Kelly is always Kelly the lawyer who is curious about everything, and once she asks we can’t cause she always sees thru us. Kelly looks at us as if we are her client when she’s talking to us and asking questions.
“We had s*x,” I blurted without glancing at Kelly.
“Wh–what? With who?” Nilingon ko s’ya at ngumiti kaya mabilis s’yang lumingon sa mesa na nasa likod namin. “D-Don’t tell me? You b***h!”
Napangiwi na lang akong ilang beses n’ya akong hampas-hampasin. “Masakit na ah!” Pero mas lalo n’ya lang akong hinampas na parang may nakakakilig sa sinabi ko.
“Aherm! So, tell me what happens?”
Kinuwento ko kay Kelly ang nangyari ng gabing ‘yon base sa naaalala ko. Syempre hindi na ang ginawa sa akin ni Greg pero tawa ito ng tawa dahil para daw pala akong sinasapian kapag lasing. Mabuti na lang daw at si Greg ang kasama ko at hindi ibang tao dahil baka nagahasa na ako ng hindi ko alam.
Marami pa s’yang tinatanong mabuti na lang at nag-aya na si Jane dahil kailangan na nilang umalis. Siya ang personal attorney namin at lahat kami successful sa sari-sarili naming field. Lahat kami busy pero pagdating sa pagkain at alak ay wala kaming tinatanggihan lalo na kapag kailangan namin huminga.
Minsan kahit gaano ka kasuccesful sa buhay ay nakakasakal din ang taas ng expectation ng mga tao sa paligid. Nakakasakal na ikaw na lang ang kusang tatakbo palayo para hindi ka nila mahanap.
“Pwede bang huwag mo akong sundan ng sundan? Can you stay on one place?”
“Bakit ba parang sukang-suka ka na makita ako? Samantalang kapag nakahubad ka halos tumirik ang mata mo ang hindi mo ako bitawan.”
Mabilis akong napatayo sa kinatatayuan ko at tinakpan ang bibig ni Greg. “Nababaliw ka na ba? Paano kung may makarinig sa ‘yo?” Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para hayaan s’yang angkinin ako sa pangalawang pagkakataon.
“Bakit? Totoo naman na halos tumirik ang mata mo habang kinakain kita tapos halos hindi—”
“You son of a b***h! Babae ka ba? Bakit pilit mong binabalik ang tapos ng mangyari?”
“Sinasabi ko lang kung ano ang nakita ko,” aniya ng hawakan ang kamay ko at tanggalin sa bibig n’ya. “Bakit?” Nanlaki ang mata ko ng bigla n’ya akong hilahin palapit sa kanya. Akala ko ay tatama na ang mukha ko sa kanya sa lakas ng hila n’ya sa akin. “Natatakot ka ba? Bakit hindi ka makatingin sa akin? Kaya kitang patuwari kahit nasa loob tayo ng opisina mo gusto mo bang subukan?” he ask with a smirk on his face.
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi ng lalaking ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi n’ya na alam ko namang lahat ay totoo. “What happen to us is just s*x nothing more. So why do you keep on talking about it?” tiim bagang kong tanong kay Greg.
Mas lalo akong nainis ng tawanan n’ya lang ako na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Bakit ba kasi takot na takot ka? Dahil ba alam mong gusto mo rin ang ginagawa ko?” nakangisi n’yang tanong kaya hindi ko na napigilan pa ang kamay ko ng lumipad ito papunta sa pisngi n’ya.
Kahit ako ay nagulat sa ginawa ko pero hindi ko na iyon mabawi lalo na ng muli n’ya akong hilahin at halikan. Nang lumapat ang labi n’ya sa akin ay kusang bumuka ang mga labi ko at tumugon sa mga halik ni Greg na para bang normal ang lahat ng ito sa pagitan naming dalawa.
Mga halik na nagpalimot sa akin ng galit ko sa kanya at sa kung nasaan kaming dalawa at ang nakakainis pa ay buong puso akong tumutugon sa bawat ng labi n’ya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na naglaban ang mga dila namin sa loob ng bibig ng isa’t isa dahil ng maglayo ang mga labi namin ay pareho kaming naghahabol hininga. “Ngayon mo sabihin na hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ko sa ‘yo,” Greg whisper and smirk making me piss off. Sa inis ko ay muli ko s’yang sinampal pero tumaas lang ang sulok ng labi n’ya at patuyang tumingin sa akin ng haplusin n’ya ang pisngi na sinampal ko. “Salamat sa halik, Ma’am!” pahabol ni Greg sa mapang-uyam na tinig.
“Argghh! I hate you! I really hate you, Greg Protacio!”
Para akong baliw na nagsisigaw dito sa loob ng opisina ko dahil hindi ko naman pwedeng gawin ‘yon sa labas. Kapag nalaman ng mga empleyado ko ang mga kabaliwan ko ay baka tawanan pa nila ako o baka mawala ang respeto nilang lahat sa akin.
The worst is if Mom learns about it she would surely kill me because of my craziness.
Kinuha ko ang wine na nasa mini ref ko at tinungga ito dahil para akong sasabog sa sobrang inis ko kay Greg. Lumaki naman akong maldita pero hindi ko alam kung bakit pagdating sa lalaking ito ay parang tumitiklop lagi ang tapang ko. Sa tuwing susungitan ko s’ya ay nasusupalpal lang ako ng mga pambabara n’ya sa akin.
“Mainit ulo?”
“Shut up!”
“What? You can’t hate him forever. Greg is nice. Actually, marami sa employee mo ang gustong-gusto s’ya. I get that you hate his guts before he is a big help to make your Mom at ease everyday.”
Alam ko naman ang sinasabi ni Cheska. At ang pagsunod-sunod ni Greg sa akin ay parte ng trabaho n’ya pero nakakainis lang na parang sa tuwing napagsusulo kaming dalawa ay may gusto s’yang patunayan sa mga tingin n’ya sa akin. “Nakakainis na some part of me kind of guilty on a sin that he never voice out, but he also makes me feel that I should be aware of it.” Pagkukwento ko kay Cheska na hindi ko alam kung naiintindihan n’ya.
Nakakainis dahil s’ya ang unang lalaki na nagagawa akong sagutin ng ganun-ganun na lang at halos walang pakialam sa estado ko sa buhay. Nakakainis na sobrang gaspang ng ugali n’ya na sa sobrang maldita ko ay wala akong magawa kung hindi ang mainis na lang sa sarili ko.
“Mainit ang ulo mo sa kanya hindi dahil may nangyari sa inyong dalawa kung hindi dahil hindi s’ya natatakot sa ‘yo. Greg, is the first guy who doesn’t care about you’re status in life. He doesn’t care if you have more money and have a powerful family than he is, that’s why he is amazing than the man you dated before.”
Tiningnan ko si Cheska mula ulo hanggang paa at kinapa ang noo n’ya. “Wala ka namang sakit. Why the hell are you giving me sensible advice now? Ipacheck up kaya kita ngayon? O baka kailangan kitang ipatawas,” tanong ko pa.
“Gaga! Ano tingin mo sa akin naengkanto?”
Ilang oras pang nanatili si Cheska sa opisina ko para samahan ako. Kaya pag-alis n’ya ay inubos ko na lang ang oras ko sa mga papers na kailangan kong pirmahan at mga shots na kailangan kong icheck. Sa sobrang busy ko sa kakasama sa mga event ni Cheska ay natatambak din ang mga gagawin ko. Bihira akong sumama sa mga show nila dahil ayokong nakikita o inuusisa ako ng mga tao kaya madalas si Cheska lang ang umaalis.
Isang envelope na ang natapos ko sa mga model na kailangan kong iscreen at meron pa akong tatlo bukod pa doon ang mga files na kailangan ko ding pasadahan. Hindi pa nakikisama ang mata ko dahil nakakaramdam na ako ng antok siguro dahil sa halos maubos ko na ang wine na inilabas ko kanina. Masyado na naman akong nasarapan kakainom at kapag naamoy ako ni Mommy ay magwawala na naman ito.
Minsan gusto ko na lang maging patatas wala kang gagawin kung hindi ang manatili sa ilalim ng lupa.
Kahit anong pilit ko ay hindi na talaga kinakaya ng mata ko kaya naglakad na ako papunta sa couch. Nasagi ko pa ang wine na iniinom ko kanina pero talagang hindi ko na kayang humakbang pa para ayusin ang kalat ko at pabagsak na lang na nahiga sa couch. Iidlip lang ako hanggang sa makabawi ako at mawala din ang amoy ng alak sa akin.
Ngunit sa gitna ng kasarapan ng tulog ko ay nagising ako naiinitan at nahihirapan huminga. Mabilis akong napabangon ng bumungad sa akin ang apoy na unti-unti ng bumabalot sa buong opisina ko. Agad na hinanap ng mata ko ang phone ko dahil madilim na kaya siguradong wala na akong empleyadong kasama dito sa building bukod sa guard na nasa baba ng building.
“Help! Help! Somebody, help me!”
Hindi ko na makita ang phone ko dahil masyado ng mausok at sobrang init ng paligid ko. Ang paghinga ko ay unti-unti na ring sumisikip pero hindi ako pwedeng mamatay dito. Tang’na sayang ang ganda ko kung mamamatay ako ng maaga at wala man lang nakakaalam. Sayang lahat ng perang pinaghirapan ko kung mapupunta lang lahat ‘yon kay Kuya. Paglabas ko talaga dito ay magbabar ako at bibili ng maraming alak mamatay man ako hindi na ako manghihinayang.
“Cheska, I am getting toast in here. Where the hell are you?” Pati ang walang’ya kung bodyguard ay wala man lang yatang ideya na masusunog na ako dito. “Oh, s**t! Damn it!”
Hindi ko alam kung ilang beses akong napapamura habang paikot-ikot para makaiwas sa apoy. At sa sobrang wala ako sa katinuan na dapat ay kinuconserve ko ang hangin ko ay wala akong tigil sa kakadaldal at kakamura sa tuwing nagugulat ako. At mas lalo akong napamura ng paghakbang ko ay may kung anong naapakan kaya dumulas ako at malakas na bumagsak sa sahig.
“Oh, great! Now, will I really die in here?”
Naibagsak ko na lang muli ang katawan ko sa sahig ng subukan kong tumayo at napamura na lang ako sa kirot ng paa at balakang ko. Ito yata ang napapala kapag maldita ka at may galit sa mundo pinapahirapan at pinapapangit kapag mamamatay. Pero ang pagdiday dream ko ay natigil ng may malakas na kumalabog napatakip tuloy ako sa sarili ko dahil akala ko may babagsak na sa akin.
Hindi ko alam kung nananaginip ako ngayon o baka nasa impyerno na ako dahil ang mukhang hindi ko inaasahan ang nakadungaw sa akin ngayon. “Kailangan n’yo po ng tulong Ma’am?” nakangising dungaw sa akin ng gago kong bodyguard.
“Fvck you! I can take care of myself,” I scowled at Greg.
“Masusunog ka na dito maldita at maere ka pa din. Iwanan kaya kita at sabihin na lang sa kapatid mo na pinauwi mo ako kaya wala akong alam kung mamamatay ka dito.”
“Tang’na mo!” Hindi ko mapigilang sigaw sa sobrang inis ko kay Greg. “Mamamatay na ako gago ka pa din.”
“At least pogi, Ma’am at ang nakauna sa ‘yo,” ngisi nito sabay talikod.
Sa inis ko ay kumapa na lang ako ng madadampot ko na pwedeng ibato sa kanya at wala akong mahanap bukod sa sapatos ko. Pero mas lalo akong nagulat ng bumalik s’ya ay bigla na ako nitong binuhat at nawala na din ang apoy sa paligid.
“Ayos ka lang? Wala bang masakit sa ‘yo? O gusto mong dalhin kita sa ospital? Ma’am alam kung gwapo ako kaya hindi mo na kailangang matulala sa akin,” Greg grinned at me as his hands busy wiping something on my face. “Tumawag na ako ng ambulansya at baka parating na rin ang Kuya mo s’ya na ang magdadala sa ‘yo sa ospital. Goodnight, Freda!”
What the hell happen?
Am I dreaming or seeing something?
In a span of seconds, I felt like Greg had changed into a different person and I am not used to it.