CHAPTER 29 FREDA’S POV “Mahal mo na ba?” Hindi ko alam kung ilang beses ko ng narinig na tinanong ‘yon nitong dalawa kong bruhang kaibigan. Nakalabas na kasi ako sa ospital dahil wala naman akong sakit at sumama na sila sa resort. At pagdating sa resort ay gaya ko rin ang reaksyon nilang dalawa kaya si Torrin at Greg ay tawa ng tawa sa kanila. And in fairness, they really had long patience, unlike me. Kinuhaan sila ng sariling cabin ni Greg na may sariling pool para daw hindi sila maabala ng ibang mga bisita, lalo na at maraming bata na nagpupunta dito. At gaya ko ay tuwang-tuwa din sila sa hagdan palayan na design ng landscape nila malapit sa pool. Ang unique lang kasi ng designs ng buong resort kaya talagang magugustuhan mo. “I already told you, it’s not what you think,” I snor

