JEAN'S POV "Buwisiiitt!!" Gigil na diniinan ko ang punas ng towel sa aking bibig. Nakatatlong toothbrush na ako pero parang lasang-lasa ko pa rin ang laway niya. Parang aatakihin ako dahil sa kahihiyang dulot ng ginawa niya kanina. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang lumabas at ipakita sa mga tao ang pagmumukha ko. Sising-sisi ako na sumama ako rito, dapat pala ay tumakas na lang ako. "But why did you answer the kiss, you Moron?!" Kahit ako ay natatawag na rin ang sarili ko na Moron. Kung hindi naman kasi talaga ako boba bakit kumapit din ako sa batok niya at nakipaglaplapan ng ganoon sa kaniya? Inaasar na rin tuloy ako ni Mang Toti. Ang sabi niya kanina : Kaya pala sa inyo lang gusto magpasundo, Ma'am. Karelasyon pala kayo. Mag-Babe pala kayo eh. The hell! Bakit ba ginagawa ng Mongol

