JEAN'S POV PAGKAKUHA ko sa may counter ng tray ng order kong pagkain ay agad akong nagderetso sa table namin. "Magli-leave ka?" tanong ni Doktora Yngrid the moment I sat on my chair. Tumango ako. "Opo, mag-aasikaso lang ako ng mga requirements." Tumawag na kasi sa akin si Whimper noong nagdaang gabi. Pinaaasikaso na ang mga requirements ko para makapag-aplay at makatulak na patungong Canada. She said she would help me find a job there. Ospital din. Nurse din. Ang boyfriend pala niya -- na ngayon ay fiance na ay anak ng may-ari ng pribadong ospital na 'yon sa Ottawa. And pinakiusapan niya ang fiance na kung puwede ay bigyan ako ng trabaho roon. Tutal lagpas 6 months na rin naman ang experience ko at lisensyado na rin, kahit hindi pa abot ng two years ay pumayag daw ito. Mahal na mahal

