13

3140 Words
Gulong sa kaliwa, gulong sa kanan. Nakapalupot sa buong katawan ko na parang sushi ang pink comforter ng aking higaan dahil sa kakaiikot ko mula kanina. Alas dos na ng madaling araw , ngunit hindi pa'rin ako dinadalaw ng antok. Maliban kasi sa nag wawala kong puso, paulit ulit kong naiisip ang sinabi sa'kin kanina ni Ford. Sa kung paano niya ako tawagin. I'm all yours babe... Not Nikka but babe. I bit my lower lip as I felt my face heated. I hurriedly cover my face using a pillow, before I scream on top of my lungs.. Scared that I might wake up everyone because of the noise that I made. Kinain ko ang lahat ng pangungutya na ginawa ko kay Niel noon sa tuwing naririnig ko siyang tinatawag ng kung anu ano ang kaniyang ex-girlfriends. Before, I find couple endearments corny actually. Pero heto ako ngayon, kung pwede ko lang irecord ang boses ni Ford kanina ay nagawa ko na. Sa ganon marinig ko 'yon hanggang sa magsawa na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag tinatawag kang baby. Parang kinikiliti ka sa tuwa. Natigil ako sa ginagawa, at napaupo ng wala sa oras. "If Ford calls me baby, does it mean boyfriend ko na siya?" I gasp, covered my mouth immediately, eyes widen. May boyfriend na ako? But does he even courted me? Paano ko siya masasagot kung hindi naman siya nanliligaw sa'kin? Or maybe I was just making an imaginary story of Ford and I. Making myself a fool of something that doesn't really exist Paano kung wala lang ang mga salitang 'yon kay Ford? Knowing him, he can make all the ladies that surrounds him giggle. Paano kung ganon 'din pala siya sa'kin? I pulled my hair out of fraustration. "Nakakainis ka Nikka!" I whispered. Yinakap ko ang tuhod at ipinatong roon ang aking noo. Hanggang ngayon, hindi pa'rin magawang tumahan ng utak at dibdib ko. Sobrang g**o! Ilang sandali pa ang nakalipas, narinig kong tumunog bigla ang telepono ko. I was hesitant to answer it at first. Ngunit kalaunan ay umayos ako ng upo sabay kuha ng phone ko sa side table. It must be important to call me at this hour. My brow furrowed when I saw Monique's name popped. "Hello Que? Napatawag ka?" She didn't say a word but I heard her sobs. That made me jump off my bed without a second thought. "Que! Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong ko. "Asan ka?" Dali dali akong kumuha ng hoodie sa aking closet atsaka lumabas ng aking silid. Patakbong bumaba at tumungo sa shelves kung saan nakalagay ang mga susi ng sasakyan namin. Kahit na hindi pa nag sasalita si Que alam kong may nangyaring masama sa kanya, na kailangan niya ako sa oras na'to. "Que give me your location.. Pupuntahan kita" I said before I finally open our main door with a car key on my hand. I'm still grounded, but I know my parents will forgive me with this one. Nang naibigay na ni Monique ang kanyang location ay dali dali ko ng inistart ang engine ng sasakyan ko. Alam ko ang lugar kung nasaan siya, kaya mabilis akong nakarating. Nahihingal pa ako sa kakatakbo nung makarating na ako sa labas ng condo unit ko. Nakita ko siyang nakaupo, at nakayuko habang yakap ang kanyang tuhod. Hinihintay ang pag dating ko. "Que." tawag ko habang nag lalakad papalapit sa kanya. My eyes widen the moment I saw her face. Her face is red and wet full of tears. "Anong nangyari? Ba't ka nandito?" Natataranta kong tanong sabay luhod sa harapan niya. "Sino ang may gawa ne'to sa'yo?" Her shoulder was trembling. She looks devastated. Hindi siya makapag salita. Unti unti kong hinawakan ang magkabilang braso niya. "Halika, pumasok muna tayo sa loob." Sabi ko sabay alalay sa kanya patayo. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng unit. Nanatili ang pag hawak ko sa braso niya para maalalayan siya. Pinaupo ko siya sa dinning area. Dumerecho ako sa counters para kumuha ng baso at tubig. Inilatag sa dinning table bago umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya. Tumigil na siya sa pag iyak, but her eyes were swelling. "I broke up with him." pag sira niya sa katahimikan namin na ikinagulat ko. Pansin ko ang paglalaro niya ng kanyang daliri. "I realized that we were living in a different world." unti unti niyang inangat ang kanyang tingin sa'kin. She smiled after, but her smile didn't reached her eyes. She was faking it. "Did you talk?" I sincerely asked. I know both Monique and her boyfriend. I'm close to them. Kaya ayaw kong pareho ko silang nakikitang nasasaktan. Alam kong pagsubok lang ang lahat ng ito, na kayang kaya nilang lagpasan She force her smile and shake her head. "I tried to talk to him, but he was busy." malungkot niyang saad. "Ayaw ko namang ipagsiksikan ang sari..." Hindi ko na pinatapos ang dapat niyang sabihin nung nag salita ako. "Que you're his girlfriend. Anong ayaw mong ipagsiksikan ang sarili mo? Tell me what happened to you?" my eyes narrowed, anger slowly building up. "My mom called me.." umpisa niya "AANO!!" I clenched my fist tightly as Monique was busy telling her problems. Naawa ako sa kanya, at naiinis sa sarili ko. Kaya pala nung mga nakaaraang araw, nakikita ko siyang parating tulala at hindi namamansin sa bahay sa tuwing nag kakasalubong kami. Hindi ko akalain na sobrang laki pala ng problema na dinadala niya. Ang masama pa 'non ay ni minsan hindi niya 'yon binanggit sa'kin. She kept it with herself. At 'etong magaling na boyfriend niya naman, walang kaalam alam. Mas inuna pa niya makipag party kasama ang kanyang mga kaibigan kesa pakinggan ang girlfriend niya. "Mabuti na at nakipag break ka na sa boyfriend mo!" I stated that made Monique shocked " wag ka nang umasa 'don! Wag kang mag alala ako na ang tutulong sa'yo." I assured her. She is the only friend that I have, that's why i'll do everything that I can to help her. "Thank you" sabi niya sabay ngiti sa'kin. "So what's your plan Que? How much do you need?" Umiling siya. "Thank you Niks, pero hindi ko matatanggap 'yan. Problema ng pamilya namin 'to. Mag hahanap ako ng paaran." "P-pero paano kung tumawag ang mama mo kay lola Celia? You know that it might shock lola Celia right?" nag aalalang tanong ko. "Please Que, alang alang kay lola." Monique sighed "After graduation, plano kong umuwi kami ni lola sa bahay namin sa probinsya at 'don ako mag hahanap ng trabaho." "If we are talking about career and opportunities, isn't it better to live here than in the province? We can give you a job. Atsaka hindi ba't may plano ka pang mag proceed sa law?" "Hindi na gaanong nag tratrabaho si lola sa bahay niyo, at tapos na ako sa pag aaral. Kaya wala na akong rason para manatili pa sa bahay niyo." aniya "But you could still work for us. If you want, I can arrange your schedule habang nag aaral ka sa law school." I offered but she immediately rejected it. "Malaki na ang naitulong nang pamilya niyo sa'min Nikka. Hanggang sa pag tanda hinding hindi ako magsasawang pasalamatan kayo." Aniya "Pero ayaw kong masama pa kayo sa problema na mayroon ang pamilya ko ngayon.. Ayoko nang samantalahin ang kabutihan na mayroon ang pamilya niyo Nikka.." Sa bandang huli, sumangayon na lang ako sa kagustuhan ni Monique. But in one condition! I'll be the one to look for their home, kahit na nung una ay panay ang tanggi niya 'don, at mas gustohin pang manirahan sa ancestral home nila sa probinsya. I'll buy a home for them, sa ganon ay mahimbing na makakatulog at makakapag pahinga si Lola Celia araw araw. Kung tutuosin, kulang pa ang isang bahay kumpara sa ginawang sakripisyo ni Lola Celia sa pamilya namin. I'll keep this a secret from my family at lalong lalo na sa ex boyfriend ni Monique. 'Yon kasi ang kagustuhan ni Que, and I respect her decision. At wala talaga akong plano na sabihin sa lalaking 'yon. Mahimbing na natutulog pa si Monique sa unit ko nung lumabas ako para pumasok sa school. I also told her that she can stay there for a few days, panigurado kasing mag aalala si lola Celia kapag makita niya ang estado ng kanyang apo ngayon. She was still devastated and loss because of her breakup. Well Monique doesn't deserve a jerk like her ex boyfriend. Mabuti na nga't nagkahiwalay sila, para naman magdusa ang lalaking 'yon. Sa sobrang party ng party ang inaatupag, hindi niya na namamalayan kung gaano na nasasktan ang kanyang girlfriend. Tsk! Jerk! Natigil ako sa pag mamartsa patungo sa sasakyan nang may natanaw akong lalaking nakasandal 'roon. Wearing black fitted shirt with a pair of maong jeans, his hair is perfectly waxed. Kita ang noo at makapal niyang kilay. Tumuwid ang kanyang tayo, hindi pa'rin nilalabas ang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa nung mag tama ang tingin namin. I blinked a couple of times, before I fix myself. Lumakad siya papalapit sa'kin. Paano niya nalaman na nandito ako? At ba't parang galit ata siya? I scratch my nape before smilling at him. "Hey." I akwardly raised my hand. "Ba't ka nandito?" He stopped few inches away from me. Tahimik na pinagmasdan mula ulo hanggang paa bago ibinalik sa aking mga mata ang kanyang titig. His clenched his jaw and sighed, na ikinataka ko. Galit ba siya? "You should have told me that you wanted to go here." Aniya "Mabuti na lang at maaga akong nagising kanina, pinuntahan kita kaagad dito nung nalaman kong wala sa garage ang sasakyan, baka kasi mapagalitan ka ng magulang mo. Have you eaten your breakfast?" My heart skip a beat and made me hold my breath for a second. Habang pinagmamasdan ko siya, may namumuong tanong sa aking utak. Why does he want to save me? Ano naman ngayon sa kanya kung malaman nila dad? Edi tatanggapin ko ang kaparusahan nila dad sa'kin. I won't ever regret driving my car earlier just to help Que. "Why are you here?" I seriously asked him. He looked si confuse "I— I thought that it would be better if I won't be seen in your house, since you were not around." aniya "And I was worried.." "Why?" Nanatili akong nakatitig sa kanya. I was so eager to hear his answer. His eyes flickered and brow frowned. He kept his silence for a couple of second. But my mind went blank and felt a sting on my chest when I heard his response. "Hindi ako kumportable sa ginawa mong pag drive ng madaling araw, you know how dangerous it is. But on the other hand I don't want you to get in trouble... that's why i'm here." "Trying to cover me up?" I smirked, also disappointed of myself "If that's what you think..then yes. I was given a responsibility by your father. Your safety is my priority." My safety? His priority? Yeah right! I forgot. He is my driver and bodyguard. Nothing more. I took a deep breath and nod before giving him my car keys. "Daan muna tayo ng drive-thru" sabi ko na lang bago naunang lumakad papunta sa kotse. Habang nasa biyahe, napag isipisipan ko ang naging reaksyon ko kanina. Natatawa sa sarili dahil ba't ako nalulungkot sa isinagot ni Ford kanina, eh dapat nga nag pasalamat pa ako sa kanya dahil nga nailigtas niya ako sa mga magulang ko. I'll be dead if they'll caught me driving, most especially during that time. I took a deep breath and close my eyes. I can feel Ford glances at me but I didn't mind it. I want to refresh my thoughts. Nikka hindi ba't sabi mo, tatanggapin at tatanggapin mo ang kung ano man ang magiging reaksyon ni Ford sa oras na aamin ka ng nararamdaman mo. I should keep myself alert and ready. Na may posibility na sa aming dalawa, ako lang ang mayroong nararamdaman para kay Ford. That for him, I am just his employer not a possible lover. Nung makarating kami sa campus ay lumabas na ako at tumungo sa building namin. It was normal day for me. Malapit na kasi ang christmas break namin kaya wala na masyadong lectures, pero sandamakmak naman ang pag hahanda namin sa aming final inputs. After class, nakita ko si Ford na nakaabang sa parking lot kung saan niya ako parating hinihintay. Dumerecho kami sa office ni dad. Kumatok muna ako sa conference room bago unti unting binuksan ang pinto. I saw two men sitting besides my dad. Napangiti ako nung nakita ko na si tito Xander pala ang nandon. Lumapit ako habang napatayo naman ang dalawa para batiin ang pag dating ko. "Hi tito long time no see." nagagalak kong bati sabay yakap sa kanya. Tito Xander is the younger brother of tita Xyla. My mom's bestfriend. "How are you Nikka?" tito Xander sabay kawala ng yakap sa'kin "Doing great tito. Kayo ho?" napawi nga lang ang ngiti ko nung mag tama ang tingin ko sa katabi ni tito Xander. It was Cassian Dy, Xyra's ex boyfriend. "Why are you here?" Nanliit ang aking mga mata nung sinabi ko 'yon. Ilang taon na ang nakalipas, ngunit hindi ko pa'rin nakakalimutan ang ginawa ng pamilya niya sa kaibigan ko. Even though Xyra didn't mention anything about her relationship with Cassian. Kilala ko ang pamilya ni Cassian. They are all about traditions and money. If they think that you're not enough for their son they'll do everything just to destroy you. And knowing Xyra, who is not fond of telling other people their real status in life. I couldn't imagine in to what extent did they do to her, not giving my friend a choice to still live here. "Don't worry Nikka, he's with me." tito Xander butt in. "We're here because we have a business proposal to offer." natatawang patuloy ni tito. Tiningnan ko si tito saglit bago binalik kay Cassian. Mas lalo akong nainis sa kanya nang makita ko na mukhang maayos na siya ngayon. Na halatang naka move on na mula sa break up nila ni Xyra. Syempre! Ikaw ba naman ang ipapakasal ng pamilya mo sa childhood friend mo hindi ba? Kahit na alam nilang may girlfriend ka na nung mga panahon na 'yon. I raised my brow and rolled my eyes when our sight met. Umupo ako katabi ni dad nang hindi binabati si Cassian. Why would I? Eh sinaktan niya naman ang kaibigan ko. Tito Xander started the meeting by telling us his business proposal. He wanted my dad to invest to his company. Tito Xander wanted to open up a new hotel here in the Philippines, with Cassian as his business partner. "To tell you the truth Xander, i'm not sure about this." ani ni dad "hindi ba't mas mapapagastos kayo sa pagbili ng existing buildings? From your renovations and transfer of titles." Tumango ako, sangayon sa sinasabi ni dad. "Yes sir." Cassian naman ngayon ang nag salita. "But the buildings that we are trying to retain was an old building that was once owned by an established company." "Established company like Dy's?" Dad na ikinagulat ko. It was as if my dad pull out a granade out of nowhere. Ngunit mas nagulat ako sa naging reaksyon ni Cassian. He didn't even got fluster by that statement. It was as if he was ready for that. "The name brand might subside but once it will be renovated, i'm sure that the customers will flock in no time." he continued. Tumagal ang usapan nina tito Xander at daddy. May pag aalinlangan pa nung una si dad tungkol dito pero kalaunan ay sumangayon 'rin naman. Pagkatapos 'non ay umalis nauna na akong umalis dahil may pasok pa ako bukas. My parents were still out kaya ako lang at ang mga kasambahay namin ang nandito ngayon sa bahay. "Good evening ma'am Nikka. May inihanda po kaming hapunan sa inyo." bati ni Maria. "Thank you." pilit akong ngumiti sa kanya sabay tanggal ng sapatos ko. May isa pang kasambahay ang lumapit sa'kin para kunin ang bag na nakasablay sa aking balikat. "Kumain na po ba kayong lahat?" "Opo ma'am Nikka. Tapos na po." "Sige mag bibihis muna ako." sabi ko tsaka tumungo sa hagdan. Ngunit biglang huminto sa kalagitnaan. Muli kong nilingon si Maria "Pakisabi nga pala kay Ford na sabay kaming kakain sa hapag." Utos ko bago tuluyang umakyat sa kwarto para makapag bihis. I went out of my bedroom wearing my pink silk pajamas. Pagbaba ko nakita ko kaagad si Ford nag aabang. "Ba't hindi ka pa nakapag bihis?" takang tanong ko habang nilalakad ang distansya namin. "I don't have extra clothes left." Nilagpasan ko siya, sumunod naman siya kaagad. "Huh? Hindi ka nakapag laundry?" Nauna akong umupo sa dinning table, habang nanatili siyang nakatayo sa aking gilid. "No Nikka. I don't have an extra clothes left, at hindi pa ako nakakauwi nung tinawag ako ni Maria." "Huh?" mas lalong kumunot ang noo ko. "Teka nga! Umupo ka! Sumasakit ang leeg ko sa'yo eh." reklamo ko sabay hawak sa palapulsohan niya at sapilitang hinila siya paupo sa upuan. "I don't live here." My jaw dropped and eyes widen. "Ano? Hindi ka nakatira dito? Kailan pa?" gulantang tanong ko. Paano ba naman kasi, most of our employees here are living with us. May enough space kami para sa lahat ng empleyado namin. At sa pagkakaalala ko, parati akong late kung umuwi at maaga umalis. Imposibleng hindi siya nakatira dito. "I was living here before, siguro one week lang. When I was starting and trying to figure out your schedules and routines. But after two weeks, umuuwi ako sa bahay pagkatapos ng trabaho "Ano?!" I heard a utensil fell on the floor when I shouted. Ford closed his eyes firmly. "Teka! Ba't hindi mo sinabi sa'kin? Geez Ford!" napasapo ako sa aking noo "Late akong umuuwi nang bahay! Paano kung may masamang mangyari sa'yo? Sana dito ka na lang tumira. May enough and comfortable room naman siguro kami para sainyong lahat." Unti unting may namumuong pag aalala sa aking sarili. Does he know how dangerous this country is? May news nga akong nakikita minsan na nag lalakad lang tao eh pinapatay pa. "Don't worry! I'm fine." he chuckled. "I can see that you're fine Ford!" I hissed "Pero hindi na'tin pareho hawak ang bukas. Paano kung may mangyaring masama sa'yo mamaya o bukas? Ha?" I felt my hands were shaking. Anger and being worried. "Yes you keep me safe 'til I got home. But how about me?" Napawi ang ngiti niya nung tumama ang tingin namin sa isa't isa "How would I know that you're safe? Hmm? If you choose to go home like that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD