Mharimar's POV Hindi ko maipaliwanag ngayon ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon para akong nakalutang sa ere. Hindi makapaniwalang may tatlong supling na nabubuhay na ngayon sa loob ng sinapupunan ko. Bahagya kong tiningnan ang aking tiyan. Hindi ko akalaing may laman na pala ito. Wala pa itong umbok kaya hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Isang buwan na ang tiyan ko, i-ibig sabihin ba nito? Nabuntis kaagad ako sa unang pagsisiping namin ng boss ko? Anong gagawin ko ngayon? Sasabihin ko ba ito sa kaniya? Si Serene? Paano kapag nalaman niya 'to? Sigurado akong kukunin niya sa akin ang mga bata. Napailing ako. Hindi puwede. Hindi ko ibibigay sa kaniya ang anak ko. "Iha?" Napakurap-kurap ako ng marinig ang boses ni Ate Sabina. Hiyang-hiya ako sa kaniya dahil si

