Mharimar's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa ingay na nasa paligid ko. Alam kong nandito pa rin ako sa kwarto na pinagdalhan sa akin ng mga tauhan ni Mr. Jill. Pinapanalangin kong sana panaginip lang ang lahat pero hindi. Alam kong hindi dahil nandito pa rin ako sa kwartong kinalalagyan ko. Nakatulog ako kagabi na kumakalam ang sikmura hanggang ngayon paggising ko, ramdam ko ang sobrang pagkagutom. "Gising na siya." Narinig kong sabi ng babae kaya napalingon ako doon. Nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa kama habang nakatingin sa akin. "S-sino kayo?" napaatras ako ng sabay silang tumayo. "Kami lang naman itong pinadala dito para ayusan ka." sagot ng isa tsaka ito tuluyang naglakad palapit sa akin. "Huwag kang matakot sa amin. Isang tao lang d

