Mharimar's POV Mula pa kaninang umaga pagdating ko, wala na akong pahinga. Pagkaupo ko pa lang sa desk ko, sinalubong agad ako ng sandamakmak na papeles, ilang tawag mula sa mga kliyente, at ang walang katapusang utos ni Mr. Jill. Ganti niya na siguro ito dahil sinagot-sagot ko siya kanina sa harap mismo ng mga bisita niya. Hindi ko lang kasi talaga napigilan ang sarili ko. Ang buong akala ko nga, tatanggalin niya na ako. Mabuti na lang talaga dahil hindi. Pero ito naman ang napala ko. Sandamakmak na trabaho. Sumasakit na ang ulo ko. Nagugutom na nga ako. Hindi pa kasi kumakain ng tanghalian. Alas dos na ng hapon. Mukhang wala yatang balak si Mr. Jill na pagpahingahin ako at pakainin man lang ng lunch. Sapo ko ang aking noo ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. Iniluw

