Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga malaman ko. Ngayon, unti-unti ay nasasagot na ang mga katanungan ko sa isipan. Ito pala ang dahilan.
Iniisip kp pa lang na mawawala sa akin si Joshua ay parang hindi ko kaya. Nung marinig ko ang sinabi ng Elise na ito na fiancè niya ang boyfriend ko ay parang hihimatayin ako. Heto namang si Josh ay hindi hinihintay kong sabihin niya na hindi totoo ang sinasabi ng babaeng ito, pero wala. So, totoo lahat ng sinasabi ng babaeng iyon? Matagal na sila at ako lang pala ang gumulo sa kanila.
Lakas loob akong lumayo sa lugar na iyon. Mas lalo akong nasaktan dahil hindi man lang nuya ako pinigilan ni Josh. Doon ay mas nasaktan ako dahil pakiramdam ko ay wala lang talaga ako sa kanya. Sobrang sakit. Nag-ayos pa ako ng todo para lang sa date naming ito tapos ganito lang pala ang mangyayari.
Sumakay na ako sa taxi. Mabuti na lamang ay may dala akong kaunting pera dahil kung hindi ay naglakad pa ako pauwi. Sa loob ng taxi na ako humagulgol. Alam ko nakatingin sa akin ang driver ng taxi pero wala na akong pakealam.
"Mam saan po kayo?"
Sinabi ko sa kanya ang address ko.
Pilit ko nilalabanan ang sakit na nararamdaman ko pero wala akong magawa kundi ang lumuha na lang.
Kaya pala, kaya pala hindi niya ako mapakilala sa mga magulang niya dahil may Elise na sa buhay niya. Ang tanga ko dahil napaniwala niya ako. Ang akala ko pa naman ay iba siya sa lahat ng lalaki. Katulad din pala siya ng iba na manloloko. Hindi ko siya mapapatawad.
Ilang minuto na din ang nakalipas, naisip ko bigla ang sinasakyan kong taxi. Naku! baka hindi sapat ang dala kung pera.
"Manong, magkano na po ang babayaran kong pamasahe?" tanong ko sa kanya.
"Nasa tatlong daan na, miss."
"Naku! 200 ang po dala ko. Dito na lang po ako."
Napakamot pa ng ulo ang matanda bagi tinanggap ang pera."
"Humingi ka sana ng pamasahe bago ka nakipaghiwalay sa nobyo mo. Kayo talagang mga kabataan, puro pag-ibig ang inaatupag, nakakaperwisyo pa kayo."
Nakaramdam pa ako ng hiya sa ginawa ko. Bakit kasi umiiyak pa ako sa loob ng taxi.
Mabuti na lamang at may mga ilaw pa sa daan. Kainis naman, broken hearted ka na, maglalakad ka pa. Ang malas mo naman Isay!
Naka 2 inch sandals pa naman ako. Paano ako maglalakad nito tapos nakadress pa. Ayyy!
Nakailang hakbang pa lamang ako ay masakit na kaagad ang paa ko. No choice na ako kundi ang hubarin ang suot kong sandals. Magkahalong inis at galit nararamdaman ko ng mga oras na iyon.
Tumingin ako sa cp ko. Magaalas nuebe na ng gabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang tulay. Sandali ay nagpahinga muna ako.
Sa loob loob ko. Gusto ko ng magpakamatay. Gusto ko ng tumalon sa tulay para matapos na ito. Kaya lang naisip ko ang pamilya ko. Kailangan pa nila ako. Hindi dahil sa broken hearted ako ay tatapusin ko na ang buhay ko. Marami pang iba diyan. Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.
Habang nagpapahinga ako ay nakapa ko na mga barya sa bag ko. Naalala ko kanina ang ginawa ng kapatid ko. Wala namang masama kung gayahin ko siya di ba?
Kumuha ko ang piso sa bulsa at pumikit.
"Sana makakilala ako ng lalaking mapapangasawa ko. Yung mayaman na po sana para umahon na kami sa hirap." Dumilat ako sabay hagis ang piso sa ilog.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa napansin ko ang isang lalaking paika-ika kung maglakad. Hanggang sa hakmang tatalon siya sa tulay. Broken hearted din siguro ito at gusto na din magpakamatay.
Tumakbo ako papunta sa kanya para pigilan siya.
"Wag po kayong magpakamatay." Napahawak ako sa beywang niya habang nakatalikod ito para pigilan siya.
Hanggang ilang sandali lang ay saka ko narealize na nakayakap na pala ako sa lalaking ito. Nakaramdam pa ako ng hiya ng mga oras na iyon.
"What are you doing?" galit na sabi ng lalaki. Mukhang lasing ito dahil amoy na amoy alak siya.
Napaalis ako sa pagkakahawak sa kanya. At humarap siya sa akin.
"Wala kang pakealam kung magpapakamatay ako. Buhay ko ito, Hindi mo alam ang nararamdam ko."
Madilim na sa lugar na iyon at kakaunti lang ang mga ilaw pero kita ko pa rin ang gwapo nitong mukha. Pamilyar sa akin. At ng maalala ko ay napasapo ako sa aking bibig. Siya ang lalaking iyon. Yung muntik na magsagasa sa amin ni Bugoy.
"Ikaw?" gulat kong sabi.
Tiningnan niya ako na parang may galit sa kanyang mukha.
Hinawakan niya ako sa aking mga balikat. Mahigpit na mahigpit. Saka muling nagsalita.
"Pam, please don't leave me. Magpakasal na tayo."
Nagulat ako sa sinabi niya. Napagkamalan niya akong si Pam. Baka iyon yung girlfriend niya.
"Bitawan mo ako. Hindi ako si Pam." sabi ko.
"Please. I love you. Hindi ko kayang mawala ka sa akin."
"Bitawan mo ako, sabi." pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Lasing ka na."
"No. Hindi kita pakakawalan. Akin ka lang!"
Mas tumindi ang pagkakahawak niya sa akin. At nagulat pa ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa aking mga labi. Ewan ko ba pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang lambot ng mga labi niya. Kahit amoy alak siya ay hindi iyon alintana. Kaya lang ay bigla akong natauhan. Manyak ang lalaking ito!
Buong lakas kong inalis ang pagakakahawak niya sa mga balikat ko at nagtagumapay naman ako. Hakmang tatakbo ako kaya lang mabilis niyang nakuha ang isa kong kamay.
"Aalis ka nanaman ba? Iiwan mo nanaman ako? Pam, hanggang kailan ba ang maghihintay sa iyo? Tell me. Sige, hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Kahit ilang beses mong iturn down lahat ng proposals ko ayos lang, basta sabihin mo lang kung kailan ka ready, hihintayin kita. Basta wag mo lang akong iwanan, hindi ko kaya."
Bigla akong napaluha sa mga narinig ko sa lalaking ito. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya kamahal yung Pam na sinasabi niya. Bigla akong nainggit. Sana may lalaki din na ganyan sa akin na takot mawala ako sa kanya.
Hinarapan ko siya .
"Ang swerte naman ng Pam na iyan. Ipaglaban mo siya kung talagang mahal mo siya."
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko. At nanlaki ang mga mata ko dahil may kinuha siya sa bulsa ng suit niya. tumambad sa akin ang napakagandang singsing. Mukhang mamahalin pa iyon.
"Pam, please, marry me." sabi niya. Naestatwa ako ng mga oras na iyon at naramdaman ko na lamang na sinusuot niya sa akin yung singsing.
Ngumiti siya at doon ay mas lalong lumitaw ang kagwapuhan ng mukha niya. At ilang sandali lang ay nawalan ito ng malay.
Nagpanic ako ng mga oras na iyon. Tinatapik ko ang mukha niya kaya lang ay hindi ito nagigising.
"Anong gagawin ko?" taranta kong sabi.
Maya-maya pa ay may narinig akong ring ng phone. Kinapa ko ang suot niya suit at ang phone nga niya ang tumutunog.
Sis Alexa calling ..
Lakas loob kong sinagot ang tawag na iyon.
"Hello, Axel, where are you?"
"Hello po." nauutal kong sabi.
"Sino ka? Bakit nasa iyo ang phone ng kapatid ko?"
"Lasing po ang kaptid niyo, nakita ko po siya habang pauwi ako."
"My gosh, saan iyan? Pupuntahan ko kayo."
Sinabi ko sa kanya ang lugar kung nasaan kami. Ilang minuto lang ang lumipas ay may isang mamahaling kotse ang tumigil.
Bumaba doon ang magandang babae. Pamilya sila ng mga magaganda. Marahil ay maganda at gwapo ang mga magulang nila.
May dalawang lalaki ang lumabas din sa kotse, siguro ay mga bodyguards nila iyon.
Nilapitan ako ng babae. Mas maganda siya sa malapitan.
"Thank you so much ahh--- what's your name?"
"Isabella. "
"Thank you Isabella sa pagtulong sa brother ko." pagkasabi niya ay napatingin siya sa may paa ko.
"What happen to you?"
"Ah wala ayus lang ako."
"Naglalakad ka lang ba?"
"Ah eh.. oo e."
"Gusto mo ihatid na kita?"
"Wag na nakakahiya, iuwi niyo na lang po yung kaatid niyo."
"No, they will take my brother's car. Ako lang sa kotse ko. Pasalamat na din ito sa pagligtas mo sa kapatid ko."
Hindi na ako tumutol pa. Mag-iinarte pa ba ako? Ang sakit na kaya ng paa ko.
Ilang minuto lang ay naaa bahay na ako. Marahil ay tulog na si Bugoy pati ang mga magulang ko.
"Salamat Ma'm Alexa. Gusto niyo po bang tumuloy muna?"
"Naku salamat nalang. Mauna na ako. Salamat din sa iyon. Bye."
Hinintay ko muna siyang makaalis bago ko sinara ang pinto. Napakabait naman niya. Tapos sobrang ganda pa.
Dumiretso ako sa kwarto ko para kumuha ng damit para makapaghilamos.
Habang kumukuha ako ng damit sa cabinet ay saka ko lang muling napagmasdan ang kamay ko. Tumambad sa aking ang napakagandang singsing na parang isinukat para sa akin dahil kasyang-kasya.
Nakalimutan ko na ang pangyayaring iyon. Bakit ko ba nakalimutan. Edi sana ibinigay ko na sa kapatid niya kanina.
Nakahiga na ako sa kama ko habang panay pa din ang tingin sa nakasuot na singsing sa kamay ko. Ang sarap lang pagmasdan. Pangarap ko na may mag-alok sa akin ng kasal. Akala ko mararanasan ko iyon kay Joshua kaso ay malabo ng mangyari iyon.
Kanina habang nagpopropose sa akin ang lalaking iyon, parang ang sarap lang sa pakiramdam, kaya lang alam ko lasing lang siya. Ang akala niya ay ako si Pam. Babawiin din sa akin ito, dahil hindi naman ito para sa akin.
Pero sa ngayon ay ienjoy ko muna habang suot ko ang magandang singsing na ito, dahil bukas makalawa ay siguradong babawiin ito ng gwapong lalaking iyon.
Sayang lang. Kung ako lang si Pam. Hindi pa niya nagtatanong yes na kaagad ang sagot ko. Sana lang ay makatagpo ako ng katulad ng gwapong lalaking iyon.
Kahit brojen hearted ako, ewan ko ba pero nakangiti akong nakatulog. Ang gwapong mukha ng lalaking iyon ang patuloy na nakarehistro sa isipan ko. Kailan kaya kami ulit magkikita.