"Ms. Fuentez, discharged na po kayo mamaya ni baby," masayang balita ng nurse kay Adelle pagkatapos ng dalawang araw simula nang siya'y makapanganak. "So, bayad na nga talaga ang lahat, nurse?" paniniguro niya rito. "Opo, at ang alam ko po ay babalik dito mamaya si Mrs. Prieto para kumustahin ka." "Okay, thanks." Pagkatapos i-check ng nurse ang kaniyang blood pressure at blood sugar counting ay tuluyan na rin itong umalis. Kaya naman silang dalawa na lamang ng anak ang naiwan sa k'wartong 'yon. It was a private room at sinadya niya talagang magpakuha ng private room para wala siyang ibang maririnig na boses maliban sa kanila ni baby at ng mga nurse at doktor na papasok doon. Of course, kasama ang k'wartong 'yon sa binayaran ni Mrs. Prieto. Napangiti siya nang malalim, ngayon ay tagu

