"NAGAWA MO na ba ang pinapaasikaso ko, Joel?" "Yes, ma'am. Nakita na no'ng babae, pero mukhang walang effect, e," napapakamot na paglalahad ng tauhan. "I don't care, basta 'wag na 'wag mong tatantanan si Madison, until she's realize that she's not really meant for my son!" "Masusunod po, ma'am." Doo'y hindi maitago ang gigil ni Mrs. Lorie Prieto. Lalo na't nakarating sa kaalaman niya na malabo pang mabigyan siya ng apo nitong si Madison dahil sa bigat ng responsibilidad nito sa pamilya. Of course, she had no choice but to find a way, para paghiwalayin agad sina Geofferson at Madison habang maaga pa. At upang hanapan lahat ng butas ang kaniyang anak para tuluyang masira ang relasyon nito kay Madison. Dahil na rin sa kaniyang hangarin na dapat ay gawin pa rin ni Geofferson ang tama, at

