HINDI RIN naman sila nagtagal sa bahay nina Jenny at Brent, dahil na rin sa ramdam niyang hindi okay ang mood ni Madison. Pero dahil nagpameryenda si Jenny ay hindi na sila nakatanggi pa, habang gayundin naman ang labis na pasasalamat ni Brent sa kaniya at maging kina Travis, Dave, Topher at Andrei, dahil sa tulong pinansyal na inabot nila para rito. Habang pabalik sila ng condo ay hindi niya naiwasang balikan sa isipan ang naging usapan nila kanina ni Brent. "Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Nanatili siyang tahimik habang nasundan pa ang katanungan ni Brent, "Nag-away ba kayo?" "Hindi naman. Bigla lang namin napag-usapan kanina ang kaniyang priority sa pamilya over our relationship." Sandaling napabuntong hininga si Brent. "O, tapos?" "Siyempre, we had a little bit misunderstandi

