SA KABILA nang pagkakadakip kay Madison ay siyang pag-aalala naman ang namayani kay Geofferson nang madatnan nitong wala sa condo niya ang nobya. Nakailang tawag siya rito subalit out of coverage ito. Hindi niya na maintindihan ang gagawin gayong ilang oras na simula nang huli sila nitong mag-usap. Nagawa niya pa itong daanan sa lugar na palagi siya nitong hinihintay pero wala-- wala si Madison. Kaya naman nang sandaling iyon ay agad niyang ibinalita kay Brent ang nangyari. "Brent, pasensya na pero may problema, e." "Ano 'yon, Geoff?" "Wala rito si Madison. Wala rin 'yung bag niya-- nag-aalala ako dahil baka may masamang nangyari sa kaniya!" pagdaing niya rito. At kahit batid niya na wala na namang pinatunguhan ang kanilang lakad kanina ay hindi naging rason 'yon para makatanggap siy

